Narito ang Kalagayan ni Awra Briguela Matapos Sumailalim sa Isang Operasyon!






Nitong nakaraang Martes lamang nagpost si Awra Briguela sa kanyang Instagram account ng litratong kasama ang kaniyang mga kaibigan na sina AC Bonifacio at former girltrend member o youtuber na ngayon na si Riva Quenery. 

Dinalaw umano siya ng mga ito sa ospital dahil sa hindi sinabing kadahilanan ngunit sa kanyang post ay sinabi niya na nanggaling siya sa “operating room” at nagpasalamat sa dalawang kaibigan na hindi humintong nagdasal para sa kanyang speedy recovery. 
Sumailalim pala ang child aktor na si Awra dahil sa kondisyon na Appendicitis na kinailangan siyang operahan sa ospital.



Ipinahayag din ng mga kapwa celebrities na sina Arjo Atayde, Jhong Hilario, and Ryzza Mae Dizon ang kanilang “getwell soon” messages para sa child star sa comment section.

Sa isa pa niyang post nagpasalamat siya kay Lord, sa kanyang doctor, sa mga dumalaw at nag-alala sa kanya. Maraming taga hanga rin ang nagpahatid ng kanilang get well soon messages para kay Awra. 

Sa panayam ng ABS –CBN News, Sinabi ng head writer ng Star Cinema at manager niyang si Henry Quitain na isinugod daw sa ospital ang actor para maoperahan ang kanyang appendix noong linggo, May 20 sa Quezon City.


Hindi na raw dapat mag-alala ang kanyang mga taga suporta dahil maayos na ang kanyang kalagayan at nakalabas na rin siya ng ospital. Sa ngayon ay nagpapagaling na si Awra sa kanilang tahanan.

Matapos magviral ng kanyang nakakatuwang pinost sa social media sumikat na si Awra, o McNeal Briguela, at nanalo sa 'Your Face Sounds Familiar Kids’ sa ngayon parte na siya ng sikat na seryeng “Ang Probinsyano” bilang makmak at Magiging guess sa May 27 si Awra sa concert ng kanyang kaibigang si Riva Quenery.



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!