Niregaluhan ni Yassi Pressman ang Kanyang Sarili ng Isang Regalo na Aabot sa P3 Million!







Yasmin Isabel Yassto-Pressman o mas kilala bilang si “Yassi” ay isang Filipino-British na actor, dancer, singer at model. Naging parte rin siya ng napakaraming pelikula gaya ng Diary ng panget at Gulong ng Palad ang halimbawa lamang ng ilan niyang pelikula. Pero nito lamang ng kanyang kaarawan ay may magara siyang surprsa para sa kanyang sarili. 


Kapag kaarawan mo nga naman talaga ay isang araw lang ito sa isang taon kung mangyari kaya gusto mong maging espesiyal ang araw na ito para sa iyo. Pero kakaiba nga naman si Yassi Pressman sa kanyang regalo sa sarili para sa kanyang kaarawan. 



Dahil nitong kaarawan niya ay niregaluhan ni Yassi Pressman ang kanyang sarili ng isang bagong van noong nakaraang May 11. Ayon sa isang ulat, sinabi ni Yassie ang kanyang tatak ng sasakyan na Hyundai H350 na magsisilbing kanyang ‘mobile van’ kapag siya ay umaatend sa kanyang mga taping. Sinabi ng actress na hindi raw kasi siya masyadong natutulog kaya naman naisipan niya na maglagay ng kama sa loob ng kanyang sasakyan.





Ayon sa Top Gear Philipines, ang kanyang sasakyan ay nagkakahalaga umano ng 2.68 million hanggang 2.73 million piso. Pero nakuha ito ni Yassie sa kalahati nitong presyo. 

Maliban lamang sa kanyang bagong van na regalo niya sa kanyang sarili, ngayong taon lamang din nakabili si Yassi ng Ford Mustang na kotse. Sinabi rin ng Top Gear Philipines na ang Ford Mustang ay nagkakahalagang 2.8 million hanggang 3.68 million.




Talaga namang mahilig si Yassi sa mga kotse at pati na rin ang bike dahil sa kanyang isang post sa Instagram na mayroon itong Maserati Vespa Scooters. Sinabi ni Yassi na mahilig daw talaga siya sa mga sports car o kaya naman sports activities na mas pipiliin pa daw niya ang Muay Thai kesa sa Yoga. Sa ngayon naman ay patungo si Yassie sa Camarines Sur para magdiwang ng kanyang kaarawan.



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!