Pinakamadaling Paraan Para Makaiwas at Mawala ang Kuliti sa Mata!





Marami ang hindi nakakaalam ng sintomas ng kuliti at kung anong klaseng kondisyon nito sa mata. Ang kuliti o stye sa ingles ay isang kondisyon sa mata na kung saan mayroong maliit na bukol sa loob o gilid ng eyelid ng mata. Ang pagkakaroon ng kuliti ay hindi dapat ikaalarma dahil ito ay nagagamot ng mabilis at naiiwasan din ito.


Ang talukop ng ating mata ay naglalaman ng maraming glands na maaring matakpan at pasukan ng dumi sa katagalan. Kadalasan ito ay nababarahan ng dumi at kumakapal ito hanggang sa magkaroon na ito ng mikrobyo na maaring dumami sa loob.


Ano nga ba ang sintomas ng kuliti?

Ang pangunahing sintomas ng pagkakaroon ng kuliti ay ang mga sumusunod:

- masakit na eyelid o talukap ng mata
- pamumula sa gilid ng mata
- pangangati sa gilid ng mata o eyelid
- may mucous discharge na lumalabas sa mata

Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng kuliti?

1. Maghugas ng kamay

Ang pagkakaroon ng maduming kamay ay isang dahilan ng pagkakaroon ng bakterya sa loob ng mata. Ugaliin ang paghugas ng kamay at iwasan ang pagkusot ng iyong mata upang hindi ito maimpeksyon.

2. Huwag tirisin ang bukol sa mata



Maaaring maging nakakatukso ang pagpisa ng iyong kuliti subalit huwag mo itong titirisin dahil pwede itong maimpeksyon. Hayaan lamang na mawala ito hanggang sa lumubas ang nana. Mas mabuti kung magpunta sa doktor upang sila ang mag-aalis ng iyong kuliti.


Ano ang lunas para mawala ang kuliti?

1. Warm compress


Ang paglalagay ng warm compress sa iyong kuliti ay makakatulong upang lumambot at magkaroon ito ng butas upang makalabas ang nana. Maaari mong basain ang isang malinis na tela sa maligamgam na tubig. Pigain ito at ipatong sa iyong kuliti sa loob ng 20-30 minuto. Gawin ito araw araw upang mawala ang kuliti.



2. Tanggalin ang pilik mata

Isang paraan para mawala ang nana ng kuliti ay ang pagtanggal ng pilik mata kung saan ang kuliti sa mata. Nakakatulong ito upang magkaroon ng butas ang kuliti at lumabas ang nana nito sa pamamagitan ng muta.

3. Gumamit ng baby shampoo
Ang paglinis ng iyong talukap ng mata ay importante upang maiwasan at matanggal ang kuliti. Kumuha ng baby shampoo, ihalo ito sa maligamgam na tubig at ipahid sa talukap ng iyong mata gamit ang cotton buds. Banlawan ito pagkatapos.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Bagong Kasal, Sinabitan Ng Kapa Na Gawa Sa Pera Na Nagkakahalagang Php100k, Sana All!