Pitong Karamdaman na Maaring Magamot ng Patatas!








Ang patatas ay isang uri ng gulay. Unang napatubo ang patatas sa mga bundok ng Andes sa Timog Amerika. Nang napunta ang mga Europeo sa Timog Amerika, dinala nila ang patatas sa Europa. Ang siyentipikong pangalan ng halamang patatas sa wikang Latin ay Solanum tuberosum.

Ang patatas ay isang karaniwang halaman na tinatanim kadalasan sa paligid ng bahay dahil sa maaring kainin ang bunga ng halamang ugat na ito. Itinatanim ito sa matataas na lugar, partikular sa kabundukan ng Cordillera at Mindanao. Ang halaman ay maliit lamang at may bulaklak na maaaring kulay puti o lila.






Ang mga karamdaman na maaring magamot ng patatas:

1. Hirap sa pagdumi

Mabisang lunas para sa kondisyon ng hirap sa pagdumi ang pagkain mismo sa bungang-ugat ng patatas.

2. Gout

Ang malalang kaso ng rayuma ay maaaring matulungan ng pagkain ng patatas.

3. Altapresyon

Ang pagtaas ng presyon ng dugo ay maaaring maisaayos ng pag-inom sa tsaa na nagmula sa balat ng patatas.

4. Hyperacidity



Ang pagkain din sa mismong bungang-ugat ng patatas ay makatutulong para pababain ang produksyon ng asido sa sikmura at mapigilan ang kondisyon ng hyperacidity.

5. Ubo

Ang ubo na mahirap gumaling ay maaaring inuman ng nilagang dahon ng patatas.

6. Paso

Ang mga paso sa balat ay maaari namang tapalan ng dinikdik na patatas upang maibsan ang pakiramdam.

7. Pangangati

Ang ginadgad na patatas ay makatutulong naman na pahupain ang pangangating nararanasan sa balat.


Comments

Popular posts from this blog

Lalaki, Nagsuot ng Mascot Costume Upang Surpresahin ang Nobya Ngunit Siya ang Nasurpresa

Isosorpresa Dapat Ng Lalaking Ito Ang Kanyang Nobya Sa Kanyang Birthday, Pero Mas Nasorpresa Siya Nang Mahuli Niyang May Kayakap Itong Iba

Hinangaan Ang Isang Ama Na Security Guard Na Kasama Ang Kanyang Anak Sa Duty Para Maalagaan

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Magandang Foreigner Na-inlove Sa Isang Pinoy Tricycle Driver At Ngayon Ay Kanya Nang Asawa