Scarlet Snow Belo, Excited Magkaroon ng Pamangkin na Lalaki sa Kanyang Stepsister na si Cristalle Belo







Si Scarlet Snow Belo ay ang 3-year old, magaganda at napakacute na anak nina celebrity couple na si Dr. Vicky Belo at Hayden Kho na sikat dahil sa kanyang mga video sa instagram na laging trending dahil umano sa matalino at nakakaaliw nitong mga sagot kapag siya ay tinatanong. 

Siya ang pinaka maraming followers na batang pinay sa Social media dahil sa halos 500,000 followers sa facebook at two million sa instagram.

Sa kanyang nakakagigil na cuteness, hindi ka na masusurpresa kung siya ang dream baby ng mga ina. Si Scarlet snow ay maaaring paborito ng lahat ngunit hindi na siya makahintay pa na magkaroon pa ng bagong kalaro. 



Dahil gusto na ring magkaroon ng kapatid na lalaki, maagang ipinakita ni Scarlet kung gaano siya ka-excited maging tita sa magiging anak ng kanyang step sister na si Cristalle Belo-Pitt at sa asawa nitong si Justin Pit.

 Kamakailan lamang sa isang post ng kanyang step sister na si Cristalle sa instagram ay may isang picture na kung saan hinahalikan ni Scarlet ang kanyang baby bump. 





“@scarletsnowbelo can’t wait to meet her new playmate! #TeamSnowyBear” sabi sa caption ni @cristallebelopitt. Maraming netizens ang nagpahiwatig kung gaano sila nasasabik na makita ang anak ni Cristalle para may bago na daw kalaro si Scarlet sa kanilang pamilya.






Manganganak na si Cristalle ano mang oras ngayong July, nagbahagi sila ng kanyang asawa na si Justin nang kwento tungkol sa kanilang napagdaanan at paghahanda bago pa man ipanganak ang kanilang panganay. Sa bibo at talino ni Snow maaaring matuto o mahawa niya ang kanyang magiging pamangkin kaya hindi na makahintay ang mga netizens.




Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo