Tanggalin ang mga Malalaking Pores sa Mukha gamit Lamang ang Mga Home Remedies na ito!





Lahat ng tao ay may mga Pores sa mukha. Ang mga kaibahan lang sa isa’t-isa ay may mga malalaki at maliliit. May tinatawag na greazy T-zone na mas malalaki ang skin pores. Minsan ang pores na ito ay sobrang laki na hindi kaaya-aya tignan para sa iba.

Isa ka ba na nakararanas ng skin pores o large pores? SIgurado marami ka na nasubukan na product para alisin ito nguni’t hindi din tumatalab. Maraming cosmetic na mabisa nguni’t hindi ganun katagal ang bisa kaya sa huli ay gumastos ka lamang. May solusyon kami sa iyong problema. Nasubukan mo na ba ang isa sa pinaka-magandang home remedy para matanggal ang mga large pores na hindi mo na kailangan pa gumastos para makabili ng mga mamahalin product o ingredients.

Subukan mo ang ilang natural na paraan na mga ito:

EGG WHITE AT LEMON JUICE

Sa isang tasa paghaluin ang lemon juice at 2 egg whites. Gawin itong masa o paste at gamitin sa mukha. Pagkatapos ng 15 minuto hugasan ang mukha at aalisin nito ang patay na skin cells at excess oils.

TOMATO AT LEMON JUICE

Pigain ang katas ng 2 kamatis. Idagdag ang lemon juice para bumuo ng pasta o paste, ilagay ito sa mukha at patuyoin ng 15 minuto. Kasunod, banlawan ang mukha at dahil sa laman na acid ng kamatis at lemon, aalisin nito ang excess oils sa mukha at papaliitin ang mga pores.

PINEAPPLE AT LEMON JUICE

Paghaloin ang 2 kutsara ng pineapple juice at kaunting lemon juice. Gamit ang manipis na tela, ibabad ito sa pinagtimpla at gamitin sa mukha. Iwan ito ng 10 minuto bago banlawan ang mukha. Ang pineapple ay mayroong maraming enzymes na mabisa sa pagpapaliit ng skin pores. Ang lemon ay may astringent na katangian dahil ito ay acidic.

ALMOND AT LEMON JUICE

Ibabad ang ilang almonds sa tubig ng magdamag. Sa umaga, kunin ang almonds at durugin sila hanggang maging paste. Sa pastang ito idagdag ang 1 kutsarang lemon juice at ihalo sa blender. Gamitin ang facial mask na ito iwan sa mukha ng 25 minuto bago magbanlaw.

Source: The Healthy Ways

Comments

Popular posts from this blog

Pinoy Matapang Na Ipinagtanggol Ang Isang Delivery Man Dahil Sa Ginawa Ng Isang Babaeng Chinese

Hinalungkat ng mga Crew ang Basurahan ng Restaurant na Ito Matapos Mawala ng Customer ang Kaniyang Singsing

Tumangging Isakay ang Isang Pamilya ng mga Aeta ng Isang Kilalang Bus Line na Ito Noong Bago Mag-Pasko

Isang Ama Hindi Mabilhan Ng Bagong Bag Ang Kanyang Anak, Sa Halip Pinagtahi Niya Ito Na Kinamangha Ng Mga Netizens

Tinulungan Ng Mga Netizens Ang Isang Tatay Na Nagtitinda Ng Okra At Nakatira Lamang Sa Isang Tricycle Sa Bangketa