Turmeric or Luyang Dilaw, Lunas sa Pagtanggal ng Gallstones at Paggamot sa mga Karamdaman!





Ang luya po ay napakainam sa ating atay, halos lahat ng sakit na may kinalaman sa ating atay ito ay napapagaling nya. Isa na dito ang  cholecystitis o pamamaga ng gallbladder dahil sa pagkakaroon ng gallstones.

Ang gallstones ay hindi maiiwasang mahulma sa gallbladder dahil sa iba't-ibang kadahilanan at kahit na ito ay mapalabas na, ay posibleng ito ay mabuo pa rin, pero huwag tayong matakot, kailangan lang po ng tamang pagkain, iwas sa sobrang stress at magkaroon ng susuportang herbs na makakatulong sa liver sa pagpapalabas ng bile upang 'wag mamuo ang gallstones at tumigas na parang bato sa gallbladder, upang maiwasan ang pamamaga nito at pagsakit.




Mga sintomas ng pamamaga ng gallbladder cholecystitis dahil sa pagkakaroon ng gallstones:
Matinding sakit ng tiyan sa bandang baba ng kanang rib cage.
Sakit na gumuguhit mula sa kanang balikat o sa bandang likod na bahagi.
Lumalalang sakit pagkatapos kumain lalo ng mga matatabang pagkain.
Kapag hinawakan mo ang tiyan ay matigas.
Parang masusuka
Pagsusuka
Lagnat.

Ang herbs na ito na maaaring magamit ay ang luyang dilaw at luyang ginagamit nating panluto. Habang may iba pang herbs na maaaring makasuporta sa liver tulad ng milk thistle at dandelion, ang problema po ay hindi po ito madaling hanapin dito sa atin sa Pilipinas, meron in form of capsule, may kamahalan pa. Samantalang ang luyang dilaw at luya natin na panluto ay napakamura, madaling mabili at patubuin, kompara sa mga herbs na nabanggit ko, at ito po ay napakatagal ng ginagamit na panggamot noong una pang panahon.




Ang luya ay makakapagpagaling sa namamagang gallbladder dahil ito ay may anti-inflammatory effect o kontra sa pamamaga, makakatulong sa liver sa paglalabas ng bile o 'yong fluid na green na nasa gallbladder o kilala natin sa tawag na apdo.

Itong apdo na ito ay pang-digest sa kinakain nating fats o taba. Ito rin ay nagne-neutralize ng acid, kaya ito ay mainam na gamot sa mga nakakaranas ng paghapdi ng sikmura dahil sa mataas ang acid  o "hyper acidity. Marami natatakot sa atin na gumamit ng luya kapag nakakaranas na ng hyper acidity dahil daw sa ito ay makakasama lalo. Hindi po, basta makakainom kayo ng tamang dosage.

Source: Kalusugan



Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Nakakantig Puso Na Pag-uusap Ng Isang Ama At Anak Habang Nasa Jeep Nasaksihan Ng Isang Netizen

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'