Viral: Anak ng isang Vendor at Tricycle Driver, Pumasok sa Top 3 ng CPA Board Exam!








Wala ng mas masaya at nakakainspire na pangyayari kundi ang makakita ng taong naabot ang kanyang mga pangarap kahit pa man sa likod ito ng kahirapan sa buhay. Ang mga taong katulad ng mga ganito ay nagpakatatag at hindi hinayaan na diktahan ng kanilang estado sa buhay ang mga nais nilang makamit. Isa ang kwento na ito ni Eddielyn Morfe. Isa siyang mapursiging anak ng isang tinder at tricycle driver, na talaga namang nakakainspire na gawin natin ang lahat ng ating makakaya sa lahat ng ating tinatahak dahil swerte tayo.

Ang batang ito lamang ay hindi swerte sa yaman sa buhay. Ang kaniyang pamilya ay nagpapakahirap na makaraos sa pang araw araw, ngunit ang ina at ama ni Eddilyn ay alam kung paano pahalagahan ang edukasyon. Ang mag-asawa ay nagpursigi na gabayan at sustentuhan ang kanilang anak sa lahat ng kanilang makakaya makapagtapos lamang ito ng kolehiyo.



Dahil sa kagustuhan suklian ni Eddilyn ang paghihirap ng kanyang mga magulang, pinagbutihan niya ang pag-aaral. Nakapagtapos siya ng Magna Cum Laude sa kursong BS Accountancy sa kaniyang paaralan. Ngayon ay sumabak naman siya sa pang lisensyadong eksaminasyon ng mga Accountancy at talagang naipakita niya ang kaniyang kasipagan at determinasyon matapos siyang makakamit ng ikatlong pwesto sa buong eksaminasyon. 

Masayang masaya si Eddielyn sa nangyari. Isa pa sa mga masasabing achievement ni Eddielyn ay ang pagkakapasa dahil mula sa 9,000+ na kumuha ng pang lisensya ng Accountancy ay 2,843 lamang ang mga pumasa. Dahil sa kanyang kagalingan, mayroon na ngayong nagalok sakanya ng trabaho sa isang accounting firm at masaya si Eddielyn na ito na ang simula ng kaniyang daan tungo sa magandang kinabukasan.


Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo