Posts

Showing posts from June, 2018

Vicki Belo, Umani ng Negative Comments sa Mga Netizen Dahil sa Kanyang 'Kulubot' Skin

Image


Victoria “Vicki” Gonzales Belo-Kho o mas kilala na Dra. Vicki Belo sa industriya. Kilala siya bilang isang sikat na Dermatologist at Television personality. Si Vicki Belo ang Medical Director ng Belo Medical Group. Kilala ang Belo Medical Group lalo na sa mga maraming artista. Asawa niya si Hayden Kho at ang kanilang anak ay si Scarlet Snow Belo.

Si Vicki Belo ay hinahangaan ng marami dahil sa kanyang batang mukha na kumpara sa edad na 62. Ngunit kamakailan lan, nakatanggap siya ng mga pambabatikos sa ibang netizens dahil sa kanyang kulubot na balat.


Sa isang post ni Vicki sa kanyang Instagram account, umani ng batikos dahil sa nakita sa litrato na kulubot ang kaniyang balat. Ang post niya ay tungkol sa kanyang workout routine na 'bikram yoga' kung saan makikita ito na nakasuot ng shorts at midriff top na na litaw ang kanyang tiyan. 

Makikita na sa ilang parte ng kaniyang katawan ay kulubot na balat lalo na sa parteng tiyan o abs. Kinuhanan ang litrato na ito pagkatapos niyang ma…

Narito ang 10 na Bansa na Maaari Ninyong Puntahan Kahit Walang Visa!

Image


Handa ka na ba sa pinakaaantay mong bakasyon kasama ang iyong pamilya o mga kaibigan pero hadlang ang pagkakaroon ng visa para mabisita ang bansang nais puntahan? Lahat naman siguro tayo ay pinapangarap na bisitahin ang ibang bansa. Kaya sa mamili ka sa mga visa-free destinations na mga bansa na maraming magagawang aktibidad at tanawin na makikita. Ito ang ilang bansa na hindi kinakailangan ng visa para dumayo kaya ihanda niyo na ang mga inyong bagahe at iplano ang susunod na bakasyon sa mga bansang ito. 1. Bali, Indonesia (Visa-free duration: 30 days)

Nangangarap ka ba ng white sand beach na destinasyon at asul na tubig dagat? Mahahanap mo iyon sa Bali, Indonesia. Narito ang exotic islands ng Bali, Indonesia na pinangalanan nilang “Island of the Gods” Ito ay isang paraiso para makita ang magandang makita ang kultura ng isla.




2. Siem Reap, Cambodia (Visa-free duration: 21 days)

Siem Reap, Cambodia ay isang kaakit-akit na lugar na mapupuntahan sa Asya. Dahil ang mga turista ay tuwang-tuwa …

Hindi mo Aakalain na may Ipinagawang Mansyon si Paris Hilton Para sa Kanyang mga Alagang Aso!

Image


May iba’t bang ugali tayo kapag ang mga ating mga alagang aso, na siyang nag bibigay ng tuwa at kagalakan sa ating buhay ay binibigyan ng natin ng mumunting mga regalo gaya ng nakamamangha na alagang aso ni Paris Hilton na umanong ipinagawa niya ng mansion house!
Si Paris Whitney Hilton ay isang Amerikana na business woman, socialite, model at kilala bilang singer. Karamihan sa kanyang mga pagganap ay siya ay isa sa mga pinakamataas na binabayaran na singer sa buong mundo. At and kanyang mga endorsement sa isang kumpanya ng pabango ay umaabot sa $1.5 bilyon na dolyar na kita.





Kaya naman pag dating sa mga mamahaling gamit ay  hindi siya nag papahuli dahil kayang kaya niyang bilin ito at para sa kanyang mga aso niya na nakakaranas ng luho. Si Paris Hilton na edad 36 na anyos ay kamakailan lamang ay nag bahagi sa social media ng isang litrato na bahay ng kanyang pamilyang aso kung saan ang mga ito ay may sariling Mansyon.




Ayon sa kanyang pahayag sa litrato binaggit niya na nasa dalawang pal…

Maraming Netizens ang Nag-aalala sa Katawan Ngayon ni Jodi Sta. Maria Dahil sa Kanyang Super Skinny Body!

Image
Sa mga taon na nadadagdag sa ating edad ipinapakita lang na kailangan pa nating pagtuonan ng pansin ang ating katawan upang maging mas malusog pa.
Sa edad na 35, patuloy pa rin sa pagbibigay inspirasyon sa lahat si Jodi Sta. Maria sa kanyang hot na hot at skinny na katawan. Kahit na busy ang kanyang schedule dahil sa kanyang teleserye na “Sana Dalawa Ang Puso” hindi pa rin niya nalilimutan ang pagmamaintain ng kanyang body figure at maging physically fit.

Nitong nakaraan lang, nagpost si Jody sa kanyang Instagram account ng kanyang #fitspiration at #dreambodygoalds na litrato. Pero mukhang hindi sumang-ayon ang ibang netizens dito dahil mukha daw nasobrahan na ang kanyang pagiging skinny.

Sa kanyang litrato, makikita na siya ay nakasuot ng isang putting off shoulder, croptop at kitang kita ang kanyang toned na abs. Kasama niya rin ang kanyang anak na si Panfilo “Thirdy” Lacson III na parang may ginagawang prank sa ina dahil sa caption nang litrato na “Anak, love mo talaga si Mommy ano? ?…

Mga Alternatibong Pagkain na Mapagkukunan ng Protina Bukod sa Karne

Image
Ang protina ay isang mahalagang sustansya na kinakailangan ng katawan para mabuhay. Ito ang kinakailangang sustansya para sa paglago at pagsasaayos ng mga nasirang cells at tissue sa katawan. May malaki rin itong papel sa pagbuo ng mga enzymes sa katawan na mahalaga naman upang maisagawa ang iba’t ibang proseso at paggana ng mga sistema sa katawan.
Ang mga karne, itlog, at isda ang pangunahing pinagkukunan ng protina sa ating mga pagkain, ngunit sa kasamaang palad, ang mga pagkaing ito makukuhanan din ng cholesterol at mga taba na maaaring makasama sa kalusugan. Makakatulong itong artikulo na ito para sa mga taong nagnanais limitahan ang taba at cholesterol sa kinakain, at sa mga taong “vegetarian” o yung mga hindi kumakain ng karne, narito ang ilan sa mga pagkain na mayamang makukuhanan ng protina.


1. Mani
Ang mani ay paboritong pagkain ng marami lalo na bilang pampalipas oras. Ang mga butil na ito, pati na rin ang iba pa nitong kauri gaya ng almonds, pistachios, kasuy, at iba pa ay …

Isang Cum Laude sa UP, Inspirasyon Niya ang Kanyang Kapatid Para Makapagtapos ng Pagaaral!

Image


Ang mga taong may kapatid na may special na pangangailangan ay sasang-ayong kung sasabihin na ang pagkakaroon nito ay parehong challenging at fulfilling dahil may mga oras na kailangan nilang sumimpatiya sa mga nararanasan ng kanilang kapatid at minsan naman ay sumasaya sa mga munting tagumpay ng mga ito. Ang mga tulad nila ay hindi dapat tina-trato na parang kung sino lamang dahil sila ay nangangailangan ng espesyal na pag-aaruga mula sa pamilya at iba pa.
Sa mga nakaraang araw natunghayan ang iba’t ibang kwento ng mga UP students nang nagshare sila sa kanilang social media ng mga napagdaanan sa kanilang pagaaral.



Sa kanilang pagtatapos sa unibersidad marami silang naranasan kaya naman ang iba ay nagpapasalamat sa mga taong naging kanilang inspirasyon. Isa sa mga nagpost ng kanyang message ay si Nelson “NJ” Mora, Jr. sa kanyang Facebook kung gaano nya kamahal ang kanyang nakababatang kapatid na may special needs na nagngangalang na si Jimboy.

Makikita sa kanilang litrato kung gaano ka-p…

Alamin ang mga Alternatibong Pagkain na Magpagkukunan ng Calcium Bukod sa Gatas

Image
Ang calcium ay isang mahalagang mineral na kinakailangan ng katawan, partikular na ang mga buto, upang manatiling matibay at makaiwas sa pagrupok nito. Ang inuming gatas, pati na ang mga produktong yari dito gaya ng keso at yogurt, ang pinakakilalang pinagkukunan ng mineral na calcium. 
Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, may iba pang mga pagkain na siksik din sa mahalagang mineral na ito at makapagbibigay din ng sapat o kahalintulad na dami ng calcium na nakukuha sa isang basong gatas. Tandaan na ang isang tasa ng gatas ay maaaring makapagbigay ng 250-300 mg na mineral na calcium.



Narito ang 9 alternatibong mapagkukunan ng calcium bukod sa gatas.
1. Broccoli
Isa sa masusustansyang gulay na nabibili sa mga pamilihan ay ang broccoli. Bukod kasi sa mga bitamina at iba pang sustansya na makukuha dito, ang 2 tasa ng gulay na ito ay may taglay na 85 mg ng mineral na calcium.
2. Sardinas
Ang sardinas ay isa sa mga itinuturing na pagkain ng mga pangkaraniwang Pilipino. Pero ang isang 3 oz na …

9 na Benepisyong Makukuha sa Pagkain ng Bawang

Image
Ang bawang ay isang kilang-kilalang halaman na karaniwang ginagamit sa maraming lutuin. Ang maputing bungang ugat ay may angking lasa at amoy na gustong gusto pampalasa ng marami. Ang mga dahon nito ay tumutubo nang pahaba at pataas. Sa Pilipinas, ang bawang ay inaani sa ilang mga probinsya na may malawak na bukirin gaya ng Ilocos Norte, Batangas, Nueva Ecija, Mindoro at Cotabato.
Ang iba’t ibang bahagi ng halamang bawang ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:


1. Ang bungang ugat ng bawang ay may taglay na saponins, tannins, sulfurous compound, prostaglandins, alkaloids, volatile oils, at allicin. 2. Ang dahon naman ay may protein, fat, at sulfides.
Ano ang mga maaring magamot ng bawang?
1. Altapresyon
Kilalang mahusay na paggamot sa sak!t na altapresyon ang bawang. Kadalasan, pinapanguya o sinisipsip ang hilaw na bawang upang mapabagsak ang mataas na presyon ng dugo. Ang pag-inom ng pinaglagaan ng bawang ay mahusay din sa p…