8 na Karamdaman na Maaring Magamot ng Pagkain ng Mais!







Ang mais ay kilalang pananim sa mga bukirin sa Pilipininas na inaani para sa bunga nito na butil. Ang halamang mais ay isang uri ng damo na may taas na 1.5 hanggang 2 metro. Ang bunga ay may maputi o madilaw na mga butil na karaniwang ginagamit sa ilang mga produkto at pagkain. Ang mais ay orihinal na nagmula sa mga bansa sa Amerika.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaring makuha sa Mais?



1. Ang iba’t ibang bahagi ng halamang mais ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

2. Ang mga butil ng mais ay mayaman sa carbohydrates, B vitamins (riboflavin and thiamine), vitamin A at C, potassium at zinc, pati na rin protina

3. Ang buhok ng mais ay mayroong maizeric acid, langis, resin, sugar, mucilage at salts

Ano ang mga sak!t at kondisyon na maaring magamot ng mais?

1. Hirap sa pag-ihi

Makatutulong sa pagpapabuti ng pag-ihi ang pag-inom sa pinaglagaan ng buhok ng mais o ang mga butil nito.

2. Pananakit ng sikmura

Ang pinaglagaan din ng mga butil ng mais ay mabisa para sa nararamdamang pananakit ng sikmura.

3. Urinary Tract Infection o UTI

Pinaiinom sa taong may UTI ang tubig na pinaglagaan ng mismo ng mais.

4. Rayuma

Makatutulong naman ang pagtatapal ng dinikdik na mga butil ng mais sa bahagi ng kasukasuan na nananakit dahil sa rayuma.

5. Pagsusuka

Para naman sa kondisyon ng pagsusuka, maaaring inumin bilang tsaa ang pinaglagaan ng tinustang mais.

6. Bato sa bato (Kidney stones)

Iniinom naman ang pinaglagaan ng buhok ng mais para sa pagkakaroon ng mga bato sa bato.

7. Sugat

Ang dinikdik buhok ng mais ay maaari din gamitin sa para mapabilis ang paghilom ng mga sugat.

8. Paninilaw ng balat (jaundice)

Ang paninilaw ng mga balat na may kaugnayan sa karamdaman sa atay ay maaaring matulungan ng pag-inom sa pinaglagaan ng buhok ng mais.



Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?