9 na Benepisyong Makukuha sa Pagkain ng Bawang







Ang bawang ay isang kilang-kilalang halaman na karaniwang ginagamit sa maraming lutuin. Ang maputing bungang ugat ay may angking lasa at amoy na gustong gusto pampalasa ng marami. Ang mga dahon nito ay tumutubo nang pahaba at pataas. Sa Pilipinas, ang bawang ay inaani sa ilang mga probinsya na may malawak na bukirin gaya ng Ilocos Norte, Batangas, Nueva Ecija, Mindoro at Cotabato.

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang bawang ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:



1. Ang bungang ugat ng bawang ay may taglay na saponins, tannins, sulfurous compound, prostaglandins, alkaloids, volatile oils, at allicin.
2. Ang dahon naman ay may protein, fat, at sulfides.

Ano ang mga maaring magamot ng bawang?

1. Altapresyon

Kilalang mahusay na paggamot sa sak!t na altapresyon ang bawang. Kadalasan, pinapanguya o sinisipsip ang hilaw na bawang upang mapabagsak ang mataas na presyon ng dugo. Ang pag-inom ng pinaglagaan ng bawang ay mahusay din sa pagpapababa ng presyon ng dugo.

2. Ubo

Mabisa ding gamot ang pagnguya ng hilaw na bawang sa pagpapaluwag ng paghinga at pagpapalambot ng makapit na plema sa tuwing inuubo. Maaari ding inumin ang pinaglagaan ng dahon at bungang ugat ng bawang upang mas mapabuti ang pakiramdam.

3. Rayuma

Ang pagpapahid ng dinikdik na bawag sa bahagi ng katawan na dumadanas ng pananakit dulot ng rayuma ay pinaniniwalaang mabisang nakakaalis ng pananakit.

4. Tonsilits

Ang katas ng dinikdik na bawang ay mabisang panglunas sa pamamaga ng tonsils na siyang nagdudulot ng hirap sa paglunok.

5. Pananakit ng ulo

Pinangpapahid sa sentido ng ulo ang dinikdik na bawang upang mabawasan ang nararamdamang sak!t.

6. Hika

Ang katas ng dinikdik na sariwang bawang ay epektibong gamot para pahupain ang mga sintomas na nararanasan dahil sa hika.

7. Sugat

Mahusay ding panglinis sa sugat ang katas ng sariwang bawang. Dapat lamang ipahid ito sa paligid ng sugat upang hindi maimpeksyon.

8. Kagat ng insekto

Ang pagpapahid ng dinikdik na bawang sa kagat ng insekto ay mabisa ring gamot upang mawala ang pangangati o hapdi sa bahaging apektado.

9. Impeksyon ng mikrobyo sa tiyan

Mahusay din na panglinis sa daluyan ng pagkain gaya ng tiyan at bituka ang pag-inom sa katas ng bawang.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit