Alessandra de Rossi, Hindi Makapaniwala na Alukin ng Isang Delivery Boy ng Isang Sanggol Kapalit ang Ganitong Halaga ng Pera!






Ang leading lady ni Empoy sa pelikulang “Kita Kita” na si Alexandra de Rossi ay nakatanggap ng isang nakakalokang alok sa kanyang buhay-at hindi, ito ay hindi isang komersyal na pag-endorso o isang lead role sa isang bagong serye ng pelikula o telebisyon. Dahil ang nakakabiglang nangyari ay may nag-alok sa kanyang Gasul delivery boy na isang bagong panganak na sanggol kapalit ng PHP 60,000.

Kwinento ng actress ang nangyari sa kanyang twitter account. Narito ang kanyang tweet: “Yung nagde-deliver daw ng gasul ang nag-alok ng sanggol sa halagang 60K. Nakakaloka si kuyang nag-deliver ng gasul, nag-aalok ng bagong panganak. 60k lang daw. My gas!”


Ang kanyang mga followers naman ay dali-daling sumagot sa kanyang naranasan. Isang netizen ang naglakas loob na nagkumento na dapat ay tinanggap na lamang niya ang bata dahil maaari itong magbigay ng swerte sa kanya. Ang iba naman ay hindi makapaniwala tulad ng reaksyon ng actress.




Ano ang iyong masasabi sa naencounter ni Alessandra? Tatanggapin mo ba ang bata?

Sa kabilang banda naman, ang kanilang pelikula ni Empoy ay sa wakas ginawa na ito sa serbisyo ngvideo-on-demand na Hooq para sa lahat ng mga hindi pa nakakanood ng pelikula. Ito pa rin ang numero unong independent film sa Pilipinas na umabot ng box-office record na $6.5 million o humigit kumulang PHP 338,400,000 kapag kinonvert.

Ang isang Hooq chief content officer naman na si Jennifer Batty, ang nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa paggawa ng pelikula na eksklusibo sa video-on-demand service.




“We are very excited to have such a high-caliber Filipino movie on Hooq. Filipino content is very important to Hooq and the addition of Kita Kita will further boost the service’s already impressive library of Filipino movies.”

Sa ngayon ay mapapanood ni Alessandra kasama si Empoy, Piolo Pascual at Arci Munoz sa teleserye gabi gabi na “Since I Found You”

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!