Andrea Brillantes, Nagpalagay nga ba ng Tattoo mula kay Whang-Od?





Sa kaniyang murang edad, ang batang Kapamilya star na si Andrea Brillantes ay nakadanas na ng iba’t ibang pagsubok at mga kontrobersiya sa larangan ng kaniyang showbiz career. Ngunit, sa lahat ng nangyari sa kaniya, pinapakita parin ni Andrea na kaya niyang dumistansya mula sa mga negatibo sa kaniyang buhay. Sa katunayan, siya ngayon ay namumuhay mula sa buhay na kaniyang gusto. Ngayon, binabalanse ni Andrea ang kaniyang buhay artista at pati narin ang buhay teenager na talagang naghahanap ng mga kaganapan at adventures na maaring maranasan niya sa buhay.

Kamakailan, ang 15-year old na batang artista na ito ay nagbahagi sa kaniyang social media sa kaniyang karanasan at tuwa ng Makita niya sa personal ang nagiisang sikat na mambabatok sa Pilipinas na si Whang-Od na mula pa sa Buscalan, Tinglayan ng probinsya ng Kalinga. Isa si Whang-Od sa huling mababatok sa Pilinas.



Para maipakita sa mundo kung gaano siya kasaya, ay nagpost si Andrea ng larawan nila ng mambabatok at sinaging:  “Meeting one of the women of the Butbut Tribe in Buscalan. Look at her tattoos guys, amazing isnt it?” Ang mga netizens ay naintriga kung si Andrea ay nagpatattoo din sa sikat na tradisyunal na mambabatok na si Whang-Od.



Samu’t saring komento ang mga narinig mula sa kaniyang mga taga-suporta:  “Naku! Blythe baka magpalagay ka ng permanent tattoo in the near future.”;  “Art of tattoos is amazing nothing short of gratification towards this women. Truly a dying art need to be resurrected”

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon mula sa batang aktres kung siya ng aba ang nagpatattoo o hindi.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Viral Sa Social Media Ang Isang Ina Matapos Nitong Turuan Ng Napakaimportanteng Leksyon Ang Kanyang Anak