April Boy Regino, Napaluha ang mga Manunuod Dahil sa Kanyang Sikreto na Ibinahagi ni Willie Revillame






Sa mga sikat na mga kantang niyang ““Paano ang Puso Ko,” “Umiiyak Ang Puso,” at “Di Ko Kayang Tanggapin,” sinong hindi makikilala ang isa sa country’s great singer na si April Boy Regino? Nagulat ang mga fans sa sinabi niya tungkol sa kanyang kondisyon sa variety show ni Willie Revillame na Wowowin nitong nakaraang araw lamang.

Noong 2013, napagdesisyonan niyang umalis na muna sa showbiz para magmigrate sa United States at magpagamot para sa pagtubo ng mga malformed sa bandang prostate area o prostate cancer. Matagumpay siyang nagamot at naging mas malusog naman ang singer.

Pagkatapos ng dalawang taon, ibinunyag ng OPM singer na nagkaroon din siya ng diabetes. Higit pa rito, ang kanyang tumataas na bloodsugar at nakaapekto sa veins ng kanyang mata na nagresulta ng kanyang pagkabulag.


Inamin ni April Boy Regino na wala siyang sapat na pera para sa kanyang mga gamot. Nang lumala ang kanyang kondisyon, pumunta daw siya kay Willie upang humingi ng tulong na pinansyal. Nang walang pagdadalawang isip, tinulungan naman ni Willie ang kaibigan.

“Napaka buti pong tao nito… Ngayon lang kami ulit nagkaharap pero nung nabulang ako, sya kaagad ang una kong tinawagan.” Sabi ni April Boy na tinutukoy si Willie.


Nagpasalamat ang singer sa kanyang minamahal na kaibigan habang sila ay nasa stage ng 'Wowowin' at habang siya ay naluluha dahil sa sobrang pasasalamat. Sinabi niya na si Willie raw ang nagiisang tao na nahingan niya ng tulong pampinansyal para sa kanyang operasyon sa mata. Ang pagtulong sa kanya ni Willie and kanyang naging motivation upang lumaban at magpagling upang ipagpatuloy ang buhay.




Bilang sagot, Sinabi ni Willie Revillame na hindi mahalaga kung sino ang tumulong kay April Boy, ang mas importante ay nakakarecover na siya sa ngayon.

Ang mga taganood ay hindi mapigilang umiyak dahil sa inspiring story na ibinahagi ni April boy, pero ayaw naman ni Willie na maging malungkot ang lahat kaya naman nagjoke siya upang gumaan naman ang pakiramdam ng iba.


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Isang Babae ang Nag-Viral Matapos Magsuot ng 4Kgs na Baggage Upang Makaiwas sa Pagbayad ng Extra Baggage Fee