BABALA: Kapag Nakakita ka ng Ganito sa Gulong ng Iyong Sasakyan ay Isa kana sa Bibiktimahin ng Mga Carnapers








Sa ngayon, marami na ang mga tao na talagang maingat. Mahirap na ang mamuhay ngayon sa mundo kaya naman ang iba sa mga tao ay gumagawa na lamang ng masasama upang makaraos sa buhay. Lagi naman tayong nakakarinig ng mga kwento ng mga nakaw at sa kasamaang palad ay ngayon ay talagang gumagaling na sila. Nakakagawa na sila ng mga makabagong stratehiya, gaya na lamang ng paglalagay ng walang laman na bote para lokohin ang ibang tao. 

Ang mga magnanakaw ay maaring maging aktibo sa pagkuha ng mga wallets at mga credit cards, ngunit ang mga beterano ay tinitiktikan ang mga mamahalin gaya na lamang ng kotse. Kailangan maging maingat ngayon ang mga may sasakyan dahil may bagong modus ang ginagawa ang mga carnapers upang tangayin ang inyong sasakyan.



Sa isang Youtube Channel na tinatawag na Gatinhitoluz, ipinakita nila kung paano ang isang walang laman na bote ay magagamit laban sayo. Ang iba sa mga magnanakaw o carnapers ay maglalagay ng walang laman na bote sa inyong mga gulong at hihintayin kayong makapasok sa loob ng inyong mga sasakyan.



Kapag kayo ay aandar na, ang bote na ito ay mayuyupi at maglilikha ng kakaibang tunog. Dahil sa inyong kuryosidad, kayo ay maaring bumaba at hanapin ang pinangalingan ng tunog at sisilipin kung ano ang nangyari. Ang iba ay maaring iwanan buksan ang pintuan ng inyong sasakyan dahil hindi ninyo alam na may mga magnanakaw o masamang loob ang nagtatago malapit sa inyong sasakyan. 

Karamihan sa mga tao ay iniiwan ang susi sa loob ng kotse dahil hindi naman kayo lalayo dito. Pero ang ganitong oportunidad ang maaring makapagdala sa inyo sa kapahamakan. Kapag Nakita nila na ang sasakyan ay walang tao sa loob, maari sila tumakbo papasok at tangayin ang inyong sasakyan.  Panuorin ang buong video dito kung paano ito ipinakita: https://youtu.be/bsKxD3xJh0c



Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya