Bahay na Binigay ni Manny Pacquiao sa isang Ice Cream Vendor, Ipinasilip Na!







Isa sa mga sikat na Bible passage na ito: “It is better to give than to receive.” Kaya naman hindi na nakakagulat pa na ang ating sikat na boksingero, politisyan at pastor na si Manny Pacquiao ay may kakayahan na magbigay sa mga nangangailangan at mga kapus-palad. Kamakailan ay ang eight division world champion ay tumupad ng kaniyang pangako sa isang taong nagngangalang Marcelina Entia Jr. na isang ice cream vendor.

Ayon sa mga report na nakalap ng bombo radyo sa General Santos, si Pacquaio ay pumunta sa isang housing project na matatagpuan sa Barangay Calumpang noong isang linggo. Personal niyang iniabot ang bahay at lupa na ipinangako niya kay Entia.



Kung mapapanuod ang isang video sa Facebook, sinigurado ni Pacquiao na lahat ay makukuha nina Entia. May mga furnitures, kitchenware, kuryente at tubig ay mayroon.

 Ayon sa mga report na nakalap, nakilala ni Pacquiao ang isang ice cream vendor na may edad 62 noong isang lingo dahil may praktis siya sa GenSan. Pagkatapos marinig ni Pacquiao ang kwento ng buhay ni Entia, walang pagdadalawang isip niya itong tinulungan. Maliban sa pabahay at lupa na ibinigay ni Pacquiao para sa tinder ay inialok din niya ang mga anak nito ng scholarship.

Karagdagan pa ay binigyan ni Pacquiao ang mga ito ng 30,000 pesos upang magsimula ng maliit na negosyo. Sinigurado ni Pacquaio na hindi na muli pang magtitinda ang matanda sa ilalim ng araw. Inimbita din ni Manny ang pamilya sa kaniyang bahay upang mananghalian sila. Habang kumakain, sinabi ni Mommy Dionisia na sana ay nakatulong sila at magtiwala lamang sila sa Panginoon.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya