Coco Martin, Nag-Abot ng Tulong Kay Whitney Tyson Matapos itong Maghirap








Wala ng mas wawasak pa sa puso natin ang Makita natin ang ating mga paboritong artista ay malagay sa kahirapan at mawala sa linya ng industriya. Nakakalungkot isipin na ang mga napapanuod natin dati na nagpapasaya sa atin ay nakakaranas ng kahirapan sa buhay. Ito ang naramdaman ng isang kapwa artista ni Whitney Tyson na sikat noon sa larangan ng komedya na si Angeline Quinto matapos nitong mapanuod ang interview ni Whitney sa telebisyon.

Maaring hindi makilala ng mga kabataan ngayon kung sino si Whitney Tyson ngunit para sa mga matatanda, maalala natin siya bilang isa sa mga nagpasaya sa buhay natin noon. Sikat noon si Whitney bilang mga katambal nina Redford White at Carding Castro sa larangan ng komedya. Nang marinig ni Angeline ang nangyari kay Whitney na dumanas sa kahirapan noong nawala ito sa industriya, nawasak ang kaniya puso. 




Buti nalang at andyan si Coco Martin na nag-alok sa aktres ng trabaho para sumama sa mga karakter ng kaniyang pelikula na “Ang Probinsyano”. Ang pelikula ni Coco ay sikat sa pagpapabalik sa industriya ng mga artistang nawala na sa telebisyon. Ang balitang ito ay nagpasaya kay Angeline at laking pasasalamat nito kay Coco dahil sa kabaitan nito sa kapwa nila artista.

Sa isang Instagram post ni Angeline, pinasalamatan niya si Coco:  “Napanood ko lang ang interview ni Ate Whitney Tyson nung isang linggo, madalas daw nasa mga fiesta siya rumaraket, sabi ko sa sarili ko sana mabigyan ulit siya ng pagkakataon na makapagpasaya ng mas maraming tao, nakakatawa din talaga siya sa mga nagawa niyang pelikula. Tapos nakita ko ito ngayon, Maraming salamat Cocs, napakarami mong natutulungan. Mabuhay ka [at]mr.cocomartin [emoji] Maraming salamat din po [at[dreamscapeph”



Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'