Dating child actor na si Jairus Aquino, Mayroong Napakagandang Non-Showbiz Girlfriend na Ngayon!






Kilala niyo ba ang JaiLene Love Team na nagmula sa “LUV U” na palabas? Ang JaiLene ay pinagsamang pangalan ni Jairus Aquino at former going bulilit star na si Sharlene San Pedro. Masakit siguro para sa mga fans nila ang makitang taken na pala ang actor. Matapos ang break-up ng JaiLene as showbiz on-screen partners, Nitong nakaraang mga araw lamang inamin na ni Jairus na may nakakuha na ng puso niya at ito ay isang non-showbiz personality.

Gayunpaman, ang pagkawala ng kanyang loveteam ay hindi makakapigil sa atin upang ipagpatuloy ang suporta kay Jairus at sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Nichole Ramos. Dahil sa kanyang kagandahan, hindi na mahirap isipin kung paano nahulog si Jairus sa babae. Kahit na hindi malaman kung paano nagkakilala ang dalawa, base sa kanyang mga post sa instagram, masasabi na nasa masayang stage sila ng kanilang relasyon.



Napansin agad ng netizens kung gaano siya kaganda at nagpahatid din sila ng mga congratulations message para sa kanya. Tila napuno ng katatawanan ng nagcomment si Jason Abalos para kay Jairus. Nagpost si Jairus ng litrato noong May 2 sa kanyang Instagram account kasama ang kanyang sweet birthday mesage upang ipakilala ang kanyang girlfriend sa buong mundo. Nagbigay rin ito ng hint na may past na sila ni Nichole sa kanyang caption na “Masaya ako dahil kahit madami ang nangyari, nakabalik tayo sa kung saan tayo noon. Happy birthday, bub!”
Kamakailan lang, ibinahagi ni Jairus ang kanyang proud boyfriend moment nang ipinost niya sa kanyang Instagram ang grauation picture ng kanyang kasintahan na gragraduate na ng Senior High School sa University of Santo Tomas ngayong taon.
Nakasulat sa kanyang caption kung gaano siya kaproud kay Nichole, “congratulations, bub! Sobrang proud ako sayo! Saksi ako sa mga pinagdaanan mo para ma abot mo kung nasaan ka man ngayon.” Ayon sa kanyang caption.


Comments

Popular posts from this blog

Kilalang Personalidad Ka-una Unahang Bumisita sa Pinakamahal na Resort sa Palawan

Kinaaliwan Ang Post Ng Isang Lalaking Nasandalan Ng Isang Nakatulog Na Pasahero Sa Jeep

Dating Artista na si Sheryl Cruz, Masayang Kasama ang Kaniyang Rumored Boyfriend sa Iceland

Isang Customer Ginunting Sa Harap Ng Staff Ang Mamahaling 'Louis Vuitton' Bag Dahil Sa Pagmamaliit Sa Kanya

Silipin ang Napakalaking Bahay ni Pokwang sa Antipolo