Estudyanteng Naging Kasambahay sa Murang Edad, Nagtapos Bilang isang Magna Cum Laude







“A dream is a vision of a possibility which requires a driven mind and a resilient heart to turn such dream into a reality.” That was taken from the viral Facebook post by netizen Jarel Barcelona Tadio who was a self-professed proud “kasambahay.” 

Narating niya ang tagumpay sa paraang hindi niya inaakala. Ang isang batang lalaking ito ay nagsalaysay ng kaniyang pinagdaanan at ang mga netizens ay nainspired sa kaniya. Sa murang edad, si Jarel Tadio ay alam na niya na iba siya sa mga kabataan sa kanilang estado sa buhay. Ang pinagdaanan niyang hirap ang nagbukas sa kaniyang mga mata na hindi siya ipinanganak na mayaman na katulad ng ibang tao.




Ayon kay Tadio: “Laking putik ako. Laking dumi kami. Nakikisaka lang kami. Laking bukid ako kaya alam ko ang halaga ng bawat butil ng pawis na tutulo sa mga magulang ko. Kaya alam ko ang bawat sakripisyo nila.” Dahil sa kaniyang kaisipan na ganito, inakala ni Tadio na hindi siya makakapagtapos ng kolehiyo. Dahil dito, tinulungan nalang niya ang kaniyang mga magulang sa pamamagitan ng pagtratrabaho ng full time. 





Ayon kay Tadio, matapos siyang makapagtapos ng high school, tumingin siya ng trabaho. Noong una parte si Tadio ng on call ng isang catering service. Ngunit ang trabahong ito ay kaliitan lamang ang sweldo. Kaya naman pagkatapos ng ilang buwan ay naisipan niyang maghanap ng mas regular na trabaho. At yun nga ay namasukan siyang househelper o katulong sa isang pamilya. “Namasukan ako bilang maid. Oo, katulong po, yaya. Kasambahay. Pero taas nuo ako sa naging trabaho ko. Marangal yun.”

Dahil sa pangarap parin nyiang makapagtapos ng pag-aaral. Ipinagpatuloy nito ang kolehiyo habang binabalanse ang pagtratrabaho, pagaaral at pagsustento sa kaniyang pamilya. Nakapagtapos siya sa Cagayan State University. Ayon kay Tadio:  “Let us not be afraid in facing challenges. Let’s pursue our dreams. Mapapagod pero hindi susuko. Masusugatan pero hindi aayaw. Mabibigo pero hindi bibitaw.”


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!