Gretchen Barretto, Umamin na Siya ay Masaya sa Piling ni TonyBoy Cojuanco Bilang Kanyang Kabit




"It’s okay. No problem. I’d marry Tony for love, not for anything else. Tony has told and reassured me that we’d get married someday and I’m waiting for that someday."
Matatandaan noon na sinabi ito ni Gretchen ngunit ano nga ba ang nangyari sa kanila ngayon ni TonyBoy Cojuangco?
Bagaman alam na ng lahat ang relasyon ng negosyanteng si TonyBoy at artistang si Gretchen Barretto ay nilinaw pa rin ni Gretchen ang kanilang relasyon.




Ibinunyag ni Gretchen Barretto ang kanilang relasyon ni Tonyboy Cojuangco. Kahit na malayo ang kanilang age gap ay hindi alintana ito para sa kanila.Sa katotohanan ay mayroon silang anak na nagngangalang Dominique at nakagraduate na ito na may bachelor’s degree sa fashion designing. Sa kanyang pahayag ay sinabi niyang “I am happily his kabit. I am happily his mistress.” 

Habang ang karamihan sa mga tao ay pamilyar sa kuwento ng kanilang buhay mag-asawa, ang mga nakakagulat salita ay bigla nalang lumabas sa kanyang bibig sa isang Instagram Live noong sabado, June 9. Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi siya natatakot na lumabas ang katotohanan kahit na maapektuhan pa siya nito.


Ang lumipas na 23 taon nilang magkarelasyon ay naging isang napakaligayang sandali para kay Gretchen at Tony, bagaman hindi niya ito tinatawag na perpekto.

“I have a very flawed life, a flawed relationship, but I’m happy. It’s not perfect. He understands me fully, he loves me fully, and in his eyes, I can do no wrong so who am I to complain?” pahayag ni Gretchen.




Ang negosyanteng si Tony ay kasal pa rin sa kanyang asawa na si Denise Yabut Cojuangco, tinanggap naman ng 48-taong gulang na si Gretchen na hindi sila magkakaroon ng kwentong parang nasa mga libro. Pero hindi ito dahilan upang hindi siya maging grateful kay Cojuangco.


“Maybe I will never be married to him, maybe he will never marry me, maybe I will never have that dream to walk down the aisle, and have that fabulous gown. But, who cares?” sabi niya.



Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob