Halamang Gamot: Gulaman, Mabisang Gamot Para sa mga Ganitong Klase ng Karamdaman







Ang gulaman ay isang halamang-dagat na kinakain sa maraming lugar. Ito ay mahalaga sa pangkabuhayan ng marami sapagkat ito ang pangunahing sangkap sa paggawa ng gulaman o gelatin. Ito ay malambot, malaman at malutong kung kakagatin. Maaring kulay berde, mamula-mula o madilaw. Karaniwan itong makukuha sa mababaw na bahagi ng dagat sa ilalim ng mga bato at buhanginan.

Ang iba’t ibang bahagi ng gulaman ay maaaring makuhanan ng ilang uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:


- Ang halaman ay makukuhanan ng gelose, protein, fat, at iba pang uri ng carbohydrate gaya ng galactose fructose at pentose. Makukuhanan din ito ng mga importanteng mineral tulad ng iodine, calcium, sodium, magnesium, potassium, at fluorine.

Ano ang mga sak!t na maaring magamot ng gulaman?

1. Ubo

Sinasabing mabisang panlunas sa ubo na may makapit na plema ang pagkin sa sariwang gulaman o kaya ang pag-inom sa katas nito.

2. Sugat

 Maaring ipantapal sa mga sugat ang malapot na katas ng gulaman upang mapabilis ang pag-hilom

3. Dysenteria

Matutulungan naman na guminhawa ang kondisyon ng dysenteria kung iinumin ang sariwang katas ng gulaman.

4. Pagtitibi o constipation

Mabisa rin para hirap sa pagdumi ang pagkain sa sariwang gulaman gayundin ang pag-inom sa katas nito.

5. Goiter

Ang mineral na iodine sa sa halamang-dagat na ito ay makatutulong para sa sak!t na goiter

6. Hirap sa paghinga

Makatutulong pa rin ang pag-inom sa katas ng gulaman para maibsan ang hirap sa paghinga.


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Viral Sa Social Media Ang Isang Ina Matapos Nitong Turuan Ng Napakaimportanteng Leksyon Ang Kanyang Anak