"Huli na nga, Nagtaray pa!", Isang Babae na Nandukot sa LRT nakuhanan ng Video








Isang netizen ang nakakuha ng video ng isang dukutan sa loob ng LRT line 1. 

Sa isang facebook post na iniupload ni Joyce Ann Paddao, binabalaan niya ang mga kapwa niya mga komuters ng isang babae na nagnakaw ng isang selpon mula sa isang pasahero din habang sila ay nasa loob ng tren ng LRT. Ayon sa kaniya, ang nsidente ay nangyari sa loob ng tren na papunta sa Roosevelt Station.

Ayon sa nagpost, isang babaeng pasahero an kumuha ng atensyon ng kapwa niya pasahero ng maramdaman nito na binuksan ang kaniyang bag at kinuha ng isang babae ang kaniyang telepono.






Ang kanilang konbersasyon ay ang mga sumusunod:
Biktima: “Ate nasan yung phone ko naramdaman ko binuksan mo ung zipper ng bag ko asan yung phone ko?”‘
Akusado: “Bakit ko kukunin phone mo eh may phone ako?”
Biktima: “Ate binuksan niyo po yung zipper ng bag ko eh naramdaman ko eh! Patingin na lang po ng bag niyo.”
Akusado: “Sige tignan mo.” (shows her bag)
Ibang Pasahero: “Sa hita mo ate, sa legs mo pakapkap mo.”


Habang sila ay nanghahalungkat, nahulog ang telepono mula sa napagbintangang pasahero na nagpapatunay na kinuha nga niya ang telepono ng biktima. Ang mga ibang pasahero ay tumulong pigilan makatakas ang akusado. Nang makarating ang tren sa Doroteo Jose station, ang mga pasahero ay nagreport na sa mga nakadestinong security guard upang ipag-bigay alam ang pangyayari.

Iniupload din ni Joyce ang dalawang video at mga larawan ng pangyayari. 



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!