Ibinunyag ni DJ Jhai Ho ang Totoong Kaganapan sa Relasyon ni Angelica Panganiban at Carlo Aquino






Maaring lahat tayo ay naiintriga kung ano ba talaga ang nangyayari sa pagitan ni Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Ang dating magjowa na ito at ex-loveteam partners ay nakikitang mas lalo silang nagsasama kamakailan. Isang post ni Carlo sa Instagram kamakailan ang mas nagpaantig sa kanilang mga fans upang mas kiligin ito sa kanila.

Ang larawan na kaniyang ibinahagi ay magkasama silang dalawa at ang kamay ni Carlo ay nakapalibot sa katawan ni Angelica. Si Angelica naman ay nakadantay ang kaniyang mukha sa balikat ni Carlo at ang isa niyang kamay ay nasa dibdib nito. Ang larawan na ito ay may caption na: “Anghel sa lupa” Ang kanilang mga fans ay natuwa at labis na naexcite dahil maaring may pangalawang pagkakataon para sa kanilang dalawa. Ngunit habang marami ang mga nangyayari ngayon sa showbiz, iba ibang emosyon din ang maririnig sa mga netizens patungkol dito.



Si Carlo Aquino ay kakabreak lamang sa kaniyang 6-years non showbiz na girlfriend. Bago pa sila maghiwalay, ang aktor ay nagpakita na ng motibo na nais na nitong mag settle down kasama ang ngayon ay ex-gf na niya. Kamakailan, si DJ Jhai Ho ay guest sa isang palabas na “Tonight with Boy Abunda,”  kung saan ay ibinunyag niya ang nangyayari kina Angelica at Carlo patungkol sa kanilang estado. Si Jhai ay isang matalik na kaibigan ni Angelica at isang radio jock  at talagang makikitang malapit sila ni Angelica.

Ibinahagi ni Jhai na noong unang alis nila ni Angelica ng bansa, inanyaya siya ng aktres na mag shopping. At ng bayaran na ay nagalok ang aktres na siya nalang magbabayad ng kanilang ipinamili. Nagalak naman si Jhai dito at mula noong ay itinuring na ni Jhai na talagang mabait at matalik na kaibigan niya si Angelica. Noong interview ni Jhai kay Tito Boy, tinanong siya nito kung ano ba talaga ang namamagitan kina Carlo at Angelica ngayon, oong una ay hindi pa niya alam kung ano ang kaniyang isasagot ngunit nagbigay siya ng opinion sa bagay na ito. “Sinasabi ko na ‘yan sakanya dati pa… Noong time na yung may girlfriend pa si Carlo. May moment na ganyan, paano pag nagbreak sila, ganyan? Pwede, jowa?”

Ibinunyag ni Jhai na kahit si Angelica at Carlo lamang ay magkaibigan, nakikita niyang masaya ang aktres at hindi mapagilan ang tuwa nito. Ibinuking pa ni Jhai na ang aktres na si Angelica ay madalas makatext ngayon si Carlo at si JM De Guzman na nababalitang nanliligaw din sa kaniya.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob