Isang Babae na Muntik ng Manalo ng Super Lotto 6/49 Subalit may Nangyari sa Kanyang Piniling Numero!




Wala naman siguro makatatanggi na lahat tayo ay nangangarap na kahit minsan ay maging swerte at manalo ng lotto jackpot sa buong buhay natin. Pagkatapos ng lahat ito ang pinakamadaling paraan para makakuha ng milyong milyon na salapi sa maikling panahon lamang. Gayunpaman alam nating lahat na ang pag papanalo sa lotto ay talagang nakadepende sa swerte at wala ng iba.

Kamakailan lamang, ang bagong episode ng “Kapuso Mo Jessica Soho,” ay nakilala natin si Malou Deocareza. Isa siyang housewife na nakatira sa Sorsogon at kilala siya sa kanilang barangay bilang swerteng babae. Higit sa ilang mga nakaraang taon, nakapanalo siya ng ilang beses sa Super Lotto draw.


Ayon sa isang ulat, noong taong 2013 ang kanyang tinaya sa lotto na nag kakahalaga ng 30 pesos ay nakapanalo siya ng PHP 10, 200. Pagkatapos naman ng isa pang taon ang kayang PHP 20 na itinaya ay nakapanalo ng PHP 6,000. At kamakailan lamang ng taong 2015, ang kanyang PHP 170 ay naging PHP 50,000.




Bukod pa dito, inamin niya na hindi lamang siya swete sa mga lotto kundi pati na rin sa raffle draws. Sa katunayan, nakuha niya na makapaguwi ng mga grocery packages at mga ilang kitchen appliances sa kanyang mga itinaya. At dahil doon talagang masasabi natin naisa talaga siyang lucky woman. 



Gayon pa man sa mga natangap niyang mga biyaya ay ninanais pa rin niya nakakuha ng isang malaking gantimpala. Kaya noong May 31 sinubukan niya ulit ang kanyang kapalaran. Sa una, naisipan niya na itaya ang mga numerong 12, 19, 24, 38, 42 at 10. Pero iniba niya ang kanyang huling numero at ginawa itong 27. 




Kapag nanalo siya sa jackpot ay nagkakahalaga ito ng mahigit kumulang sa PHP 28,523,904 at masusuportahan niya na ang kanyang pamilya. Sa laki ng gantimpala ay kaya na niya ng ipagawa ang kanilang bahay, makabili ng sasakyan at matulungan ang kanyang pamilya sa probinsya. 






Gayunpaman noong araw ay inanunsyo ng Philipne Charity Sweepstakes Office ang winning numbersnoong May 31, nakalimutan ni Marilou panoorin ang draw. Kinabukasan pumunta siya sa lotto store kasama ang kanyang babaeng anak at ng tinignan nila ang mga numero na nakalagay. Ang mga unang limang unang numero ay nakapanalo na siya pero ng tignan niya ang huli ay nalungkot siya dahil imbis na 27 ay lumabas ang numero na 10. Nakapanalo siya ng PHP 22,540 dahil pinaghatian ng tatlong nakakuha ng unang limang numero ang PHP 70,000.



Milyon na, naging bato pa. Nagpapasalamat naman si Marilou na kahit papano ay nakakuha ka siya ng pera mula sa kanyang itinaya.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira