Isang Cum Laude sa UP, Inspirasyon Niya ang Kanyang Kapatid Para Makapagtapos ng Pagaaral!





Ang mga taong may kapatid na may special na pangangailangan ay sasang-ayong kung sasabihin na ang pagkakaroon nito ay parehong challenging at fulfilling dahil may mga oras na kailangan nilang sumimpatiya sa mga nararanasan ng kanilang kapatid at minsan naman ay sumasaya sa mga munting tagumpay ng mga ito. Ang mga tulad nila ay hindi dapat tina-trato na parang kung sino lamang dahil sila ay nangangailangan ng espesyal na pag-aaruga mula sa pamilya at iba pa.

Sa mga nakaraang araw natunghayan ang iba’t ibang kwento ng mga UP students nang nagshare sila sa kanilang social media ng mga napagdaanan sa kanilang pagaaral.




Sa kanilang pagtatapos sa unibersidad marami silang naranasan kaya naman ang iba ay nagpapasalamat sa mga taong naging kanilang inspirasyon. Isa sa mga nagpost ng kanyang message ay si Nelson “NJ” Mora, Jr. sa kanyang Facebook kung gaano nya kamahal ang kanyang nakababatang kapatid na may special needs na nagngangalang na si Jimboy.


Makikita sa kanilang litrato kung gaano ka-proud si Jimboy sa kanyang kuya, suot pa nito ang sablay at barong ng kanyang kuya. Si Mora ay grumaduate ng Cum laude sa University of the Philippines-Visayas Tacloban College na may bachelor’s degree in Arts major in Communication Arts. Sabi ni Mora sa kanyang post na maliban kay God na kinukuhanan niya ng lakas, nariyan rin ang kanyang kapatid na naging kanyang inspiration at motivation upang mag-excel sa kanyang pag-aaral. 


Sa caption inihayag rin niya na magtratrabaho ng mabuti para sa kanyang kapatid at kung gaano niya kamahal ang kapatid.





Sa ngayon naiintindihan na natin kung saan nagmula ang patience at mga blessings na mayroon si Mora. Galing ito sa kanyang pagmamahal at pagaaruga sa kanyang pamilya.

Tulad ng ibang post, nakatanggap rin siya ng mga matatamis na salita mula sa mga netizens. Sa katotohanan ang iba ay nakapagbahagi rin ng kanilang mga kwento tungkol sa kanilang mga kapatid.


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya