Isang Grab Driver na Solid Kapuso, Tinanggihan ang Isang Pasahero ng Malaman na Kapamilya Reporter Ito







Ang mga Social Media sites gaya na lamang ng Facebook at Twitter ay kadalasan puno ng mga reklamo patungkol sa mga grab drivers na nasasakyan natin sa araw-araw. Kadalasan naming mga reklamo ay kung gaano kapili ang mga drver na ito sa pagtanggap ng mga bookings mula sa mga pasahero.

Pero ngayon, may isang post na patungkol sa hindi pagsakay ng isang driver sa kaniyang pasahero. Ngunit marami ang hindi nairita sa nabasa nila ngunit sila pa ay namangha sa nangyari.

Isang ABS-CBN report na nagngangalang Jacque Manabat ang nagpost ng kaniyang karanasan mula sa isang hindi maganda service ng grab driver na ito. Nang masabi niyang papasundo siya sa ABS-CBN sa Quezon City, ang driver ng grab ay nagkansela. Hindi dahil alam natin na ang Quezon City ay puno ng trapik o malayo ang drop-off ng pasahero kung hindi dahil ang mismong driver ay isang “Solid Kapuso” fan. 





Sinabi ng driver kay Jacque ang mga sumusunod: “Sorry can’t make it. SOLID KAPUSO po kasi ako.“ Sa kaniyang post, sinabi ng reporter na hindi naman issue sa kaniya kung solid kapuso ang driver at ang tanging gusto lang niya ay makauwi na siya agad. “Koya, kebs (ayos lang) kung saan ka solid (viewer). Gusto ko lang makauwi.“

Dahil sa nangyari, ang driver ay parang nagbaril sa kaniyang sarili sa pagcancel ng booking kay Jacque. Sa comment section ng post ni Jacque, sinabi niya ang mga sumsunod “He cancelled, but no hard feelings. Mahirap na humanap ng loyal ngayon tulad niya haha!”

Ang driver, ngayon ay nagkaroon ng 5 day suspension at sumailalim ulit sa training at coaching. Ngunit ang nakakatawang tanong ng madami, kung loyal ang driver sa kaniyang tv network, loyal din kaya siya sa kaniyang asawa? 



Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!