Isang Lalaki, Pilyong Ipinainom ang Suka sa mga Foreigners na Inakala na Ito ay Alak na Gawa sa Pinas!






Kilala ang Pilipinas sa napakarami nitong magagandang tanawin, kakaibang hayop na dito lamang sa Pinas matatagpuan at ang natatanging kultura ng bansa. Kaya marami ang mga dumadagsang mga foreigners dito para maranasan ang natatangi nitong ganda. 

Ang Pilipinas ay may iba’t ibang uri din ng pagkain at inumin na inilalagay sa pagkain na kinakailangan para sa sawsawan gaya ng toyo, suka, patis at marami pang iba. 

Kilala tayong mga pilipino bilang mga masayahin at puno ng kalokohan kaya tayo ang pinakamasayang tao na kilala sa buong mundo. Tulad nalang ng ginawa ng isang pilyong pinoy na ito na ipinatikim ang alak na Alfonso sa mga foreigner habang ang bote ay naglalaman ng pinakurat o spicy vinegar.





Sa video na nag-viral sa facebook, mapapansin na ang mga foreigner na ito ay gumagawa ng video para sa kanilang vlog entry na ipopost nila sa youtube. Makikita na pilyong niloko ng isang pinoy na ipatikim ang sinasabing "alak sa pilipinas" na dapat matikman ng mga foreigner.


Dahil nais nilang makatikim ng kakaibang lasa ng alak sa pilipins, sinubukan muna ng isa sa kanila ng konting lagok ng inakalang alak na nakalagay sa bote ng alfonso pero nang matikaman niya ito ay namangha siya sa lasa at sinabing malalasahan talaga ang anghang ng sili at bawang. Bilib na bilib ang foreigner na ito ay isang kakaibang alak ng mga pinoy.


Pagkatapos nito inumin ay may iba pang foreigners na ipinainom ang suka at makikita na namangha sila sa lasa ng inakalang alak na pinakurat na suka pala. 





Ginatungan pa ng pilyong lalaki habang sinasabing ito ay may 20 percent na alcohol  at ito ay isang homemade vinegar habang ang mga foreigners ay humihiyaw sa lasa ng suka. Bilib na bilib ang mga foreigner na ito at pinost pa ito sa social media habang sinasabi nila na 'you should try this". 



Masasabi talaga natin na ang mga ilang foreigners talaga ay handang gawin kahit ano basta’t maranasan ang kultura ng Pilipinas. Habang sa kabilang banda, makikita na pilyo at puro kalokohan talaga ang alam ng mga pilipino upang mapasaya ang kanilang kapwa pilipino.


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Viral Sa Social Media Ang Isang Ina Matapos Nitong Turuan Ng Napakaimportanteng Leksyon Ang Kanyang Anak