Isang OFW, Naglabas ng Pagkadismaya at Sama ng Loob sa mga Pilipinong Nanghihingi ng Pasalubong Galing Abroad







Aminin man natin o hindi, karamihan sa ating mga Pinoy ay labis ang tuwa kapag tayo ay nakakatanggap ng mga pasalubong mula sa ating mga Balikbayan na kamaganak, kaibigan o kung sino man. Dahil ang pagtanggap ng mga imported na produkto gaya ng pagkain, damit, tsokolate o anu pa man ay talagang isang pakiramdam ng tuwa at galak sa kung sino man ang makakatanggap nito.

Para naman sa mga balikbayan nating mga Pinoy, walang sasaya sa pakiramdam kapag sila ay namamahagi ng kanilang mga biyaya. Ngunit, isang facebook user ang nagngangalang Raymond Lopez ang nagbahagi ng kasalungat na pananaw pagdating sa konsepto ng pasalubong.


Sa kaniyang mahabang argumento, ibinahagi niya kung bakit siya ay tumigil ng mamigay ng mga pasalubong sa kaniyang mga kamag-anak. Sa katotohanan, nadismaya siya sa ginawa ng kaniyang kamag-anak sa kaniya. Aniya: “Minsan, nakakadala talagang magbigay ng pasalubong kapag nagbabalik-bayan ka, bigyan mo man sila o hindi, meron at meron silang masasabi sa’yo, na kesyo “ito lang”, “nagbigay ka pa”, “kuripot naman”, “‘yan ba ‘yung abroad?”, “tatlong-taon sa abroad heto na ‘yun?”

Ayon kay Raymond, ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) ay hindi lamang umuuwi para mamigay ng pasalubong. Dagdag pa niya na hindi naman lahat ng balikbayan ay nakaipon at nagyayabang sa kung anong nagawa at naipundar nila sa abroad. “Umuuwi ang isang OFW hindi para magregalo, mamigay o magpamudmod ng kung ano. kundi, umuuwi sila para pansamantalang makapagpahinga, makapaglibang at makasama ang kani-kanilang pamilya’t mahal sa buhay.”

Sa huli, ipinaliwanag ni Raymond na gusto lamang niyang maintindihan ng mga ibang Pilipino at maappreciate ang kayang ibigay lamang ng mga OFW o balikbayans.

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'