Jolo Revilla, Nakapagtapos na ng Pag-aaral sa Kursong Legal Management








Opisyal na! Nakakuha nadin ng degree si Jolo Revilla. Nakapagtapos siya ng Bachelor of Arts in Legal Management. Sa tulong ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP), nakuha ni Jolo ang kaniyang degree sa Lyceum of the Philippines University (LPU) sa Maynila.

Noong Miyerkules, ang 30 year old na actor turned politician, kasama ng kaniyang mga opisyal sa Cavite, ay nagmartsa siya para sa kaniyang graduation rites sa Philippine International Convention Center (PICC). “Being a public servant, actor and a student all at the same time is a great challenge. Pero tulad ng marami sa inyo, I made it. Kapag ginusto, kahit mahirap, hindi lang kakayanin, mapagtatagumpayan.”




Si Jolo ngayon ang gobernador ng Cavite at kaniyang ipinangako na paghusayan pa ang kaniyang serbisyo. Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Jolo ang mga sumusunod:  “Together with my fellow graduates, I’m taking a stand to serve our country by helping make education accessible to all. Lumang tugtugin man pero totoo, education is the only key to alleviate poverty.”

Ang kaniyang mga nakamit sa buhay ay dinededika niya sa mga importanteng tao sa kaniyang buhay gaya ng kaniyang pamilya, kaibigan at lahat ng mga naniniwala sa kaniya.

Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Paano Maiiwasan Ang Sobrang Pagpapawis?

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!