Judy Ann Santos, Buong Tuwa na Naipagluto Niya ang mga Vatican Nuns sa Italya!






Ang mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay nagbakasyon ng labing limang araw sa Italy noong april at isa sa mga highlight ng kanilang bakasyon ay ang muntik nang pagtatagpo nila kay Pope Francis. 

Kahit na hindi nila ito nakita ng harapan, masaya sila dahil nakita nila ito mula sa isang maikling distansya.

“Malapit, pero kasi nung dumaaan siya sa akin, nakatigin siya sa kabila. Tapos, paglagpas niya sa akin 'tsaka siya tumingin sa amin, sa may side namin. Pero just the thought na nandun kami at nakita ko siya, okay na ako dun, e. Hindi naman sa hindi ko ginustong hawakan siya, pero parang hindi na ako hihingi nang sobra pa sa kung ano yung puwedeng mangyari nung araw na yun.” Pagkwekwento ni Juday


Isa pang highlight ng kanyang bakasyon ay ang pagluluto niya at ni Ryan Agoncillo para sa mga Vatican nuns. Inihayag niya,Hindi naman siya talaga nakaplano. Pero yung schedule namin sa Rome talagang may isang araw akong nilaan na free day na wala kaming gagawin."



Umalis sila sa bansa noong April 15, at bumalik ng masaya noong April 30.


“Nung namimili lang ako ng mga souvenirs dun sa loob ng Basilica, yung mga madre na Pilipino, nagkukuwentuhan kami, ‘Sister gaano ka na katagal dito? ‘Dalawang taon. Nami-miss ko na nga ang adobo, mga sinigang, mga ganyan.’


“Sabi ko, ‘Talaga? Gusto mo ipagluto kita? Pagluluto kita!’ Tapos, ano lang siya, ‘Talaga, gusto mo?!’ Yung wala siyang hesitation, yung hindi yung, ‘Huy, ikaw naman, huwag nang ganyan. ’Yung ano siya, ang genuine nung saya niya. 'Tapos, nagpaalam agad siya sa Mother Superior nila, kasi iba-iba sila ng nationality, e.” pagpapatuloy ni Juday sa kwento.

Saya ang naramdaman ni Juday matapos silang naging malapit ng isang Filipina nun na nagngangalang Sister Joy na nakilala niya nitong nakaraang Miyerkules lang.


Nitong Friday sila daw ang nagluto dahil iyon ang free day nila at kinabukasan naman, karawan ni sister Joy kaya masaya silang icelebrate ito para sa kanya.
Kabilang sa iba't ibang luto na inihanda nila para sa mga madre ay, “Angrydobo, monggo, 'tapos cream cheese leche flan, 'tapos nag-bake ako ng fish na isang buo, 'tapos may salad.”

Ang “Angrydobo” ay isang natatanging paborito ni Juday na Filipino Recipe.

Kabilang sa 13 nuns na kanilang ipinagluto ay ang dalawang Filipina habang ang iba ay may iba't ibang nasyonalidad.

Nakakuha ng ilang tulong ang mag-asawa mula sa kanilang kapwa Pilipino sa kanilang hotel at ang iba ay sa merkado. Tinulungan umano silang mag-grocery, mamili sa palengke at naging madali ito dahil hindi umano siya magaling mag-Italiano. 
“So sila yung nagku-converse for us. So kumbaga nung araw na yun, okay lahat, yung sumwak ba. Nagkataon lang din na yung palengke, may mga Pilipinong nagtitinda, so may mga tosino, may tapa. 'Tapos, may Indian na nagbebenta ng mga sinigang mix sila, 'tapos nagta-Tagalog. ‘Ano kailangan, sinigang mix? Ganda, ganda, ano kailangan, patis?’


“Alam nila yung patis! Alam nila lahat.

“So hindi naging mahirap mag-source out ng ingredients kasi nga nagta-Tagalog yung Indian, 'tapos may mga ingredients sila na kailangan. May Maggi Magic Sarap, may Maggi Seasoning sila.


“So lahat ng kinailangan ko nakuha ko, kaya kumbaga, hindi ko na kinailangang mag-isip ng alternative na ingredients kasi andun siya lahat.

“Kaya nga ako nakapag-monggo, ng authentic na monggo. Ang una ko ngang naisip, lentils yung gamitin ko kasi baka wala akong monggo na makita. Meron siyang monggo!”

“'Tapos nagkataon lang na talagang gusto kong mag-serve ng baked fish sa kanila, na parang iyon na yung safest na puwede kong i-present sa kanila na magkukumpleto nung feast, kasi may buo kang isda."


Ito umano ang unang pagkakataon na nagluto ang dalawang mag-asawa na walang ibang katulong.

Ang nag-iisang problema lang nila umano ay ang oras dahil kailangang masiguradong maihain ang kanilang ginawang pagkain sa tamang oras. 

Ito rin ang unang pagkakataon na maexperience ng mga madre ang ganito. “...Ang maganda pa kasi dun, every time na may pumapasok na mga madre, yung ang sarap pakinggan nila, na para silang mga anghel na tumitili na, ‘Oh my God! You’re cooking too much!’”

Ang marinig na masaya ang mga madre ay nagpapasaya na rin kay Juday.
“Pag naglalabas na kami ng pagkain, yung nagpapalakpakan sila, yung nakakawala ng pagod kasi alam mong you genuinely made them so happy.
“'Tapos, pagyakap nila sa amin, yung, ‘Thank you! I love you!’”

Tuwang tuwana ng mga madre sa inihanda nila kaya kahit pareho silang pagod ni Ryan, isa ito sa kanilang unforgettable experience.


Kaya nakakatuwa, it was… pagod kami pero happy yung pagod, yung hindi ka makapaniwala na, ‘My god, nagluto ako sa Vatican!’"


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!