Kilalanin ang Ice Cream Vendor na Binigyan ni Manny Pacquio ng House and Lot!








Isang napakaswerte na nagtitinda ng ice cream ang na biyayaan galing kay Senator Manny Pacquiao dahil binigyan siya ng house and lot! Siya si Marcelino Entia at hindi niya inasahan na bibigyan siya ng house and lot noong nakaraang buwang ng Mayo 27 na bibiyayaan ng kabutihang loob ng dakilang boxing champ.

Matatandaan sa nakaraang artikulo na ang na sabing insidente sa isang netizen na si Jen Manilay na nag tatrabaho kay Senator Manny Pacquiao ay naging viral. Maraming humanga sa ka dakilaang  puso ng senator gaya ng mga netizens na masaya para sa nagtitinda ng ice cream na si Marcelino Entia ng makakuha ng pera at bagong trabaho at house and lot galing kay Senator Pacquiao.

Ngayon si Mang Marcelino ay 64 taong gulang na at nagtatrabaho bilang isang tricycle driver bago mag umaga at sa gabi naman ay security guard. Ngunit noong nakaraang taong 2009 ay nagkaroon siya ng mild stroke at dahil sa pangyayaring iyon ang kanyang asawa na si Ruby Entia  ay ang nag silbing taga pag hanapbuhay para masuportahan ang kanilang pamilya. Nang bumuti ang karamdaman ni Mang Lino nag silbi siya bilang taga pag linis ng mga bote ng tubig kahit kumikita siya ng kaunting pera.




Noong taong 2011 ay nangungupahan sila ng bahay sa General Santos at nag babayad ng 500 kada buwan para sa bahay pero hindi nila maramdaman ang kaginhawaan ng bahay na iyon. Dahil ang kanilang bubong ay laging tumutulo kapag umuulan at walang muwebles sa loob ng kanilang bahay. 

Dahil sa kanilang sitwayon si Mang Lino ay nagdarasal n asana ay may taong tumulong sa kanilang buhay. Nakapag trabaho siya bilang isang ice cream vendor pero ang kanyang kinikita ay hindi pa rin sapat para masuportahan ang kanilang pangangailang araw-araw. Nagkukulang pa dahil sa kanyang mga gamot na kinakailangan inumin para sa kanyang sak!t.

At bigla isang araw ay may biyaya na dumating sa kanilang buhay. Sinabi ni Senator Manny na nakita niya si Mang Lino at biglang naawa sa kanya at nais niyang tulungan ang matanda. Ang dating nagtatrabaho bilang tagapag tinda ng ice cream sa daan ay ngayon meron nang bagong bahay para sa kanyang pamilya. Hindi lamang iyon dahil ang Senator ay mag papatayo rin ng sari-sari store para madagdagan ang kinikita ni Mang Lino. At ang swerte ni Mang Lino ay na bigyan rin siya ng bagong trabaho para hindi na siya mabibilad sa init ng araw.

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'