Kris Aquino, Namigay ng Louis Vuitton at Yves Saint Laurent para sa Kaniyang mga Loyal na Taga-Suporta







Mukhang ang “Queen of All Media” na si Kris Aquino ay hindi natuwa sa alitan nila noong nakaraan ng Presidential Communications Group Assistant Secretary for Social Media na si Esther Margaux “Mocha” Uson. Sa makatuwid, pinasalamatan niya ang kaniyang mga fans na patuloy ang pagmamahal at suporta sa kaniya sa pamamagitan ng pamimigay ng dalawang luxury bags niya na Louis Vuitton at Yves Saint Laurent na kulay dilaw. 

Sa kaniyang Instagram videos, pinasalamat ni Kris ang kaniyang mga taga suporta dahil sa pinakita nilang pagmamahal noong mga nakaraang araw. Inumpisahan niya ang kaniyang video sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa kaniyang mga fans at mga kaibigan sa industriya na nagbigay sa kaniya ng mga bulaklak bilang tanda ng mabuting gawain.



Sa isang clip, sinabi ni Kris: “Hi everybody! I just wanted to say thank you very much. I have received so much good will, and gusto ko pong magpasalamat sa inyong lahat and this is the way I know how.” Sa pangalawang clip na kaniyang ini-upload, sinabi ni Kris kung gaano niya kaalam na masaya ang kaniyang mga fans noong namigay din siya ng mga giveaways dati. Dahil dito, naisip ni Kris mamigay ulit ng mga giveaways, ngayon ay isang Louis Vuitton Speedy Damier naman at isang Yves Saint Laurent na dilaw na bag.



Dagdag pa ni Kris: “You will just need to like this post and share it, and tell others to follow me if they aren’t following me yet… I want all of you to know how much I love you and how much I appreciate you.” Sa huling clip na kaniyang ini-upload ay nagpasalamat din sina Josh at Bimby sa mga taga-suporta ng kanilang ina.

Pahayag ni Kris ang pasasalamat para sa kaniyang mga viewers at taga-suporta na walang sawang nagpapahayag ng kanilang pagmamahal sa aktres. Dagdag niya, ang mga bags ay mapupunta sa dalawang lucky fans niya. Pinaalalahanan niya na magkomento kung bakit sila ang karapat-dapat Manalo ng bag at ang mananalo ay maaanunsyo sa June 12. 




Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob