LANGKA: Mga Benepisyong Kailangan Ninyong Malaman Mula sa Pagkain Nito





Ang langka ay isang halamang tropiko na karaniwan sa mga bansa ng Timog Silangang Asya kung saan kabilang ang Pilipinas. Ito ay may mataas na puno na may bilogan at makinis na dahon. Kilala naman ang bunga nito na may berde at tusok-tusok na balat na may madilaw na laman na paborito ng marami. Ang mga buto ay maaari ding kainin kung ilalaga o tutustahin.

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang langka ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

1. Ang langka ay may taglay na morin at cyanomaclurin.
2. Ang halaman ay mayroong alkaloids, tannins, phenolic compounds, flavonoids, at saponins.
3. Mayroon namang saccharose, fructose, glucose, fixed oil, essential oil, other extracts, protein, cellulose.
4. May mataas din itong lebel ng Vitamin C, at provitamin A carotenoid



Ano ang mga sak!t at kondisyon na maaring magamot ng langka?

1. Pagtatae

Pinaiinom ng pinaglagaan ng tinadtad na ugat ng langka ang taong dumadanas ng pagdudumi.

2. Sugat

Ang abo mula sa sinunog na dahon ng langka ay hinahalo sa langis ng niyog at ginagamit bilang ointment para sa mga sugat na naimpeksyon.

3. Lagnat

Pinaiinom din ng pinaglagaan ng ugat ng langka ang taong may mataas na lagnat.

4. Kagat ng ahas

Makatutulong naman ang dagta ng langka sa sugat na dulot ng kagat ng ahas.

5. Pagnanana

Ang mga sugat na may nana ay matutulungan din ng pagpapahid ng dagta ng langka. Minsan pa, inihahalo pa ang dagta sa suka upang mas maging epektibo.

6. Hirap sa pagdumi

Ang pagkain naman sa bunga ng langka ay mabisang gamot para sa hirap sa pagdumi.

7. Hika

Nagagamit din ang pinaglagaan ng ugat ng langka sa pagpapahupa ng mga sintomas na dulot ng hika.


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay