Masakit na Singaw? Narito ang Anim na Epektibong Natural na Lunas Para Mawala Ito!





Nagkaroon ka na ba ng singaw sa bibig? Kung oo, napakasakit diba? Pero saan nga ba galing ang singaw? 

Ang sanhi ng singaw hindi pa natutukoy ng mga eksperto kung ano ang nagdudulot dito. May mga nag sasabing na baka kulang sa bitamina ang katawan o kaya naman na sobrahan sa stress. Bagamat ang madalas na nagiging sanhi nito ay ang pagkakaroon ng sugat sa labi o dila. Maaring mag kasingaw kapag napaso ang dila, nakagat mo ang iyong dila o kaya naman kapag may braces maaari kang magkasingaw.

Marami na ang sumubok ng iba’t ibang gamot sa singaw pero karamihan dito ay wala ring epekto. Mas mainam na kung huwag ito lalagyan ng kalamansi o suka. 




Narito ang ilang mga epektibong lunas para gumaling ang iyong singaw ng madalian:

1. Uminom ng 8-12 baso ng tubig sa mag hapon. Dahil kapag maraming tubig na ininom, mas magiging basa ang ating lalamunan at bibig at hindi gaano sasakit ang singaw. Luluwag pa ang plema sa inyong lalamunan.


2. Umiwas sa mga pagkaing maaalat at maasim dahil mahapdi sa singaw ang maaasim na prutas gaya ng orange at mangga. Okay lang naman kung kumain ng melon at pakwan bilang juice. Kumain na lang ng lugaw at malambot na pagkain para maiwasan na masugatan ang singaw.




3. Ugaliing kumain ng yogurt dahil ang pagkain nito ng 3 beses sa isang araw ay nag sisilbing bilang tawas sa singaw sa bibig, dila, o lalamunan dahil kapag natapalan lamang ng yoghurt ang iyong singaw ay mababawasan ang sakit.



4. Ugaliin kumain ng yogurt ng tatlong beses sa isang araw dahil ito ay nakakatulong mawala ang singaw sa bibig, dila o lalamunan. Ito ay may soothing effect sa singaw na makakapagpawala ng pananakit.

5. Isang kinaugalian na remedyo sa singaw ay ang pagmumog ng maligamgam na tubig na may asin. Subalit maaring magkaroon ng kaunting hapdi kung sakaling ito ang gagawin ninyong remedyo, pero nakakasiguro na mawawala ang singaw kinabukasan.



6. Ang pagkain ng honey ay isang 'miracle remedy' dahil ito ay may antibacterial at may inflammatory properties. Ipahid ang honey sa singaw tuwing gabi at hayaan ito ng 15-20 na minuto, hugasan o magmumog pagkatapos.




Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit