Mga Benepisyong Maaring Makuha sa Pagkain at Pag-inom ng Pinya






Ang pinya ay isang kilalang prutas sa Pilipinas. Sa katunayan, isa ang Pilipinas sa mga may pinakamataas na produksyon ng pinya sa buong mundo. Ang halaman nito ay mababa lamang, at may dahon na patulis at may matatalim na gilid. Ang bunga nito ay may madilaw na laman, masabaw at may matamis o maasim na lasa. Karaniwan itong tumutubo sa mga bansang topiko gaya ng Pilipinas.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaring makuha sa Pinya?



1. Ang bunga ng pinya ay may taglay na saccharose, glucose, at fructose. Mayroon pa itong mannite, citric acid, vanillin at bromelin.
2. Mayroon ding taglay na mineral na phosphoric at sulfuric acid, lime magnesia, silica, iron, at chlorides of potassium at sodium.
3. Mayaman pa ito sa vitamin vitamins A at B, at lalo na sa vitamin C

Ano ang mga sak!t na maaring magamot ng pinya?

1. Bulate sa tiyan
Mabisang pampurga sa impeksyon ng bulate sa katawan ang pag-inom sa katas ng dahon ng pinya. Dapat itong inumin ng apat na beses sa isang araw.

2. Pamamaga
Makatutulong sa pamamaga sa katawan ang pag-inom sa pinaglagaan ng dahon ng pinya.

3. Dyspepsia
Ang pananakit ng sikmura dahil sa problema sa pagtunaw ng pagkain ay maaaring maibsan ng pag-inom sa katas ng sariwang bunga ng pinya.

4. Hirap sa pag-ihi
Matutulungan din ng pag-inom sa katas ng bunga ang kondisyon ng hirap sa pag-ihi.

5. Hirap sa pagdumi
Dapat namang pakainin ng hinog na bunga ng pinya ang taong hirap makadumi.

6. Impeksyon ng bacteria
May bisa laban sa mga mikrobyo ang katas ng bunga ng punya kung kaya’t makatutulong ang pag-inom nito kung sakaling may impeksyon sa katawan.

7. Scurvy
Ang scurvy ay sak!t na nakukuha dahil sa kakulangan ng Vitamin C sa katawan. Ang kondisyong ito ay maaaring matulungan ng pag-inom ng katas ng pinya o kaya’y pagkain mismo sa hinog na bunga.

Comments

Popular posts from this blog

Matapat Na Airport Security Guard Nagsauli Ng Nalaglag Na Perang Nagkakahalagang P500,000 Sa Isang OFW

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

6 Magandang Benepisyong Makukuha Sa Pagkain Ng Sayote

Batang Scientist Nadiskubre Ang Benepisyo Ng Aratiles Para Sa May Mga Dyabetis

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?