Narito Kung Paano Gumawa ng Napakasarap na Pinakurat na Suka!




Karaniwan sa ating mga Pinoy na ginagamit pang sawsawan ang suka sa mga pagkain at nilalagyan ng mga iba’t ibang sangkap pampalasa para sa mas masarap na lasa nito.

Gusto mo bang malaman kung paano gumawa ng pinakurat na suka? Narito at alamin kung paaano ito gawin at ano ang mga sangkap na gagamitin.

Ang pinakurat na suka ay gawa sa natural na suka na galing sa buko, may kulay na mapula-pula na brown, may lasang maanghang-anghang at may amoy na kaaya-aya, katakamtakam na kakatulo laway at masarap na ipangsawsawan sa mga pagkain. Maaring gumawa ng sariling version ng pinakurat na suka at maaari ring makabili sa mga tindahan. 



Ang pinakurat spice vinegar ay orihinal itong nagmula sa Iligan City sa Mindanao na maaring ipangpasalubong sa mga kamag-anak at kaibigan.



Paano gumawa ng pinakurat na suka?
Kakailanganin:
• 750ml Coconut Vinegar • 8-10pcs. Siling Labuyo, Slice • ½ pc. Luya, Slice • 8pcs. Bawang, Slice • 1 cup, Patis • 2-3 kutsarang asukal • 2-3pcs. Sibuyas, Slice


Paano Gawin:

1. Pagsamasamahin sa blender ang mga sangkap na ½ bote ng suka, 4 pcs. bawang na nakaslice, ¼ luya na nakaslice, at 5 pcs. Siling Labuyo na nakaslice at iblender ito.



2. Iblend ito hanggang sa makuha ang iyong gustong textura

3. Ilagay ang natitirang suka at iblender itong muli

4. Ihalo ang patis at iblender ulit. Kung wala namang patis maaari din na ipang palit ang asin

5. Ilagay ang asukal at iblend. Maaari din itong lagyan at hindi ng asukal kung ano ang naaayon sa iyong panlasa

6. Ilagay sa isang bote at ihalo ang natitirang siling labuyo, bawang, luya at ilagay ang hiniwang sibuyas

7. Maaari mo na itong gamiting sawsawan na pangpartner sa mga pagkain at ishake muna bago ito gamitin

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira