Neri Miranda, Ipinasilip ang Kanilang Ipinapatayong Bagong Property na Talagang Napaka-Bongga!







Ang dating aktres na si Neri Naig – Miranda ay hindi na mapantayan ang tuwa at galak sa paghihintay para sa bago nitong baby – ang “Alfonso’s House”. Ang asawa ng “Parokya ni Edgar” vocalist na si Chito Miranda ay isang entrepreneur na ngayon at nagsisimula na para sab ago nilang business venture – isang ekslusibong events place na matatagpuan sa Alfonso, Cavite. 

Sa nakaraang post sa Instagram ng aktres, ibinahagi niya ang sneak peek ng lokasyon na ngayon ay sumasailalim padin sa kosntruksyon.  “Isa sa mga inspirasyon ko para mas magpursige pa akong magtrabaho at mag-ipon, ang latest baby ko, ang [alfonso’s house].”




Sa isa pa niyang post, ibinunyag ni Neri kung bakit tinawag nilang “Alfonso’s House” ang kanilang bagong business. Ipinangalan niya ito pagkatapos ng dalawang “Alfonso’s sa kaniyang buhay: ang kaniyang asawa na si Alfonso Chito Miranda at ang kaniyang anak na si Migurl Alfonso Miranda. At talagang mamamangha kayo na sumakto ang lugar kung saan ito nakatayo ay sa Alfonso, Cavite. 

Siyam na buwan na ang nakalipas, binili ni Neri ang 1,500 square meter na lupain na ito. Nakita niya na pwede ito at tingin niya na perfect ito para sa mga gatherings at mga mahahalagang events.Aon kay Neri, ang events place na ito ay makakapagakomoda ng mga higit kumulang na dalawang daan (200) na katao. Mayroon itong dalawang ekstra na kwarto para sa mga caterers, helpers at mga draybers na kasama ng kung sino man ang gagamit ng lugar.



Sa karagdagan, sinisigurado ni Neri na ang lugar ay child-friendly at magiging perfect para sa mga naghahanap ng katahimikan. “May apat na maliliit na bahay sa bungad na parang townhouse ang style tapos may malaking garden. May tree house, may shed na may maliit na vegetable garden, may maliit na basketball court.”Dagdag pa niya: “May pergola, ihawan, at balak ko rin maglagay ng outdoor brick oven.”

Dahil ang karamihan sa mga gagamit ng lugar ay tiyak mga pamilya, ipinapangako ni Neri na ito ay magiging pang masa ang presyo. “Don’t worry, super affordable ko siya ipaparent para dito nyo gustong ikasal o kahit anong events nyo. Nagulat kase ako kapag may events kami, sa venue pa lang, jusko, mauubos ang budget mo, hehe! Kaya naisipan kong gumawa ng sarili kong events place na kaya ng masa.” Sinisigurado din ni Neri na mag eenjoy talaga kung sino man ang gagamit nito.





Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya