Pipino: Ang Mga Benepisyong Nadudulot ng Pagkain nito sa Ating Katawan!








Ang gulay na pipino ay nagmumula sa gumagapang na halaman na karaniwang tumutubo sa maiinit na lugar sa mundo kabilang na ang Pilipinas. Ang pahaba, malaman, makatas at berdeng bunga ay paborito ng marami at karaniwang pinepreserba (pickled).  May maliliit itong bulaklak na kulay dilaw.

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang pipino ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:




Ang halaman ay may alkaloids, glycosides, steroids, saponin, flavonoid, at tannin
Ang bunga ng pipino ay may dextrose, saccharose, at langis. Mayaman ito sa mineral na calcium at iron, at may vitamin B at C.
Ang buto naman ay mayroong langis na may oleic acid, linolic acid, palmitic acid, stearic acid, phytine at lecithine.
Ang dahon naman ay may urea at hypoxanthine na isang uri ng alkaloid.

Ano ang mga benepisyong makukuha sa pagkain ng Pipino?

1. Impatso

Ang katas ng dahon ng pipino ay maaaring ipainom sa taong apektado ng kondisyon ng impatso o hirap matunawan ng kinain. 

2. Karamdaman sa bituka

Pinaniniwalaang mabisa para sa karamdaman sa bituka (Coeliac disease) ang pagkain sa hilaw na pipino.

3. Pagtatae

Makatutulong din ang pagkain ng hilaw na pipino para maibsan ang kondisyon ng pagtatae.

4. Paso

Nakapagpapabuti ng pakiramdam sa balat ang pagtatapal ng hiniwang pipino sa bahagi ng katawan na napaso.

5. Bulate sa tiyan

Ginagamit na pampurga sa bulate sa tiyan partikular ang Taenia (tapeworm) ang paglunok sa dinurog na buto ng pipino na hinalo sa asukal.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!