Siling Labuyo: Alaming ang mga Benepisyong Maaring Makuha Dito!








Ang siling labuyo ay karaniwang halaman na makikita sa maraming lugar sa Pilipinas. Ito ay maliit lamang na halaman na bahagyang mala-kahoy ang katawan at sanga. Ang dahon ay maliit lamang, bilugan sa ibaba na patalim sa dulo. Ang bunga naman ay pahaba at patulis na may mapulang kulay kung hinog. Karaniwang sangkap sa maraming lutuing Pilipino dahil sa taglay nitong anghang.

Ano ang mga sustansya at kemikal na maaring makuha sa siling labuyo?




1. Ang iba’t ibang bahagi ng halamang siling labuyo ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

2. Taglay ng bunga ng siling labuyo ang kemikal na capsaicin na siyang nagpapaanghang sa lasa nito.

3. Makukuha sa halaman ang ester, terpenoids, noncarotenoids, lipoxygenase derivatives, carbonyls, alcohols, hydrocarbons, capsaicin, dihydrocapsaicin, capsiconinoid, at capsinoid.

4. Mayaman ang bunga sa mineral na calcium, phosphorus, at iron, gayundin sa vitamin A at B.

Ano ang mga sak!t na maaring magamot ng siling labuyo?

1. Sore throat

Upang malunasan ang kondisyon ng sore throat, maaaring ipangmumog ang tubig na hinaluan ng dinikdik na bunga ng siling labuyo.

2. Rayuma

Ang bunga ng sili ay maaaring dikdikin at ihalo sa langis at ipampahid sa bahagi ng katawan na dumaanas ng pananakit dahil sa rayuma at arthritis. Mas mainam kung ang pampahid na gamot ay hahaluan pa ng dinikdik na dahon ng sili.

3. Kabag

 Makatutulong sa kondisyon ng kabag ang pag-inom sa mainit na tubig na pinagbabaran ng hiniwang bunga ng sili. Maaari din namang ihalo ang sili sa anumang pagkain upang matulungan ang kondisyon.

4. Pananakit ng ngipin

 Maaaring ilagay ang katas ng sili sa butas ng ngipin na nananakit.

5. Sugat

 Matutulungan din ng paglalagay ng dinikdik na dahon ng sili ang mas mabilis na paghilom ng sugat.

6. Buni
Maaaring ipang hugas sa balat na apektado ng buni ang pinagbabaran ng siling labuyo.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Viral Sa Social Media Ang Isang Ina Matapos Nitong Turuan Ng Napakaimportanteng Leksyon Ang Kanyang Anak