Silipin ang Bonggang Living Rooms ng mga Sikat na Artista na ito!








Ang mga living room ay inilaan upang maging maayos ang pagtanggap ng mga bisita sa bahay. Minsan ay dito din ginaganap ang mga get-togethers at sandaling bonding kaya dapat ay malinis at maayos itong tingnan.

Ilan sa inyong mga paboritong celebrity ay nagbahagi ng kanilang elegante at maaaliwalas na living room na nagpapakita kung sino talaga sila. Talaga naman mamamangha ka sa laki at ganda ng kanilang mga sala sa loob ng bahay.


Ito ang mga magagandang sala ng mga sikat na artista: 

1. Alden Richards 







Ang bahay ng “Pambansang Bae” na matatagpuan sa Laguna ay nagtatampok ng living room na may neutral at light colors. Ang kanyang maaliwalas na cream-colored sofa ay mukhang nakapag-imbita ng dagdag ginhawa kasama ng mga malambot nitong mga unan.


2. Lucy Torres at Richard Gomez





Ang mag-asawang celebrity ay nagnanais na ang kanilang living area sa kanilang bahay ay matatagpuan sa isang eksklusibong subdibisyon na pinangungunahan ng natural light kaya ang malalaking mga pinto at bintana ay sliding. Mayroon din itong painting ni Isabel Diaz sa ilalim ng buffet table. Napakaganda at refreshing dahil sa kulay ng room at sa laki ng pintuan.


3. Sharon Cuneta






Si megastar ay may dalawang living room at ang bawat isa ay nagpapakita ng pagiging elegante niya. Kung magkakaroon ka ng chance para makita ito ay nanaisin mong puntahan ito dahil napakakomportableng nitong tingnan. Ang kanyang bahay ay makikita sa Mandaluyong.


4. Vice Ganda





Ang phenomenal box office star ay kadalasang nakikita sa TV na may suot ng makukulay na wigs, makeup at mga damit ngunit kung makikita mo ang kanyang living room ay magugulat na dahil binubuo lamang ito ng mga kulay na grey, black at white.


5. Joey De Leon




Ang henyo master ay masining. Kung makikita mo ay puno ang living room niya ng iba’t-ibang paintings na nakasabit sa kaniyang wood-colored wall. Kung makikita’y makulay ang mga paintings na nakasabit dito. Napakaganda rin ng wood-colored wall kung sasamahan ito ng wood tiles.

Comments

Popular posts from this blog

Tinulungan Ng Mga Netizen Ang Isang Ama Na Nahilo Habang Nagtitinda At Karga-Karga Ang Anak

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Netizen, Nahabag sa isang lalaking nagtitinda ng lobo na may kasamang anak na nakatulog

Inspiring Story ng 10 Year Old na Babae, Nagsilbing Magulang sa Dalawa Niyang Kapatid Matapos Iwanan ng Kanilang Ina

Construction Worker At Kanyang Asawa, Nakaipon Ng Pampagawa Ng Bahay Gamit Ang 'Php50 Ipon Challenge'