Sinurpresa ni Josh ang kanyang Ina na si Kris Aquino sa Pagbibigay ng Isang Regalo para sa Araw ng mga Tatay!






Ang pagtataguyod ng pamilya ng walang asawa ay hindi madaling trabaho. Maliban sa pag aalaga sa inyong anak at pag gawa ng mga trabaho sa bahay, kailangan mo ring punan ang karakter ng ama sa pag tustos ng pang araw araw na pangangailangan ng pamilya. Itong mga nakakalulang responsibilidad ay hindi naging hadlang kay Kris Aquino para maging isang kahanga hangang magulang sakanyang mga anak. 

Ilang araw bago ang Father’s day, binati ni Kuya Josh ang kanyang ina na si Kris sa pagbibigay ng isang maganda at makahulugang regalo. Ibinahagi ni Kris ang kaniyang karanasan sa Instagram.  Ayon kay Kris, matapos niyang mangaling sa isang napakahaba at nakakapagod na taping at trabaho, ibinigay ni Josh sa kanya ang personal card na ginawa sa eskwelahan.

Ang card ay dapat ibibigay para sa mga tatay, ngunit dahil alam naman ni Josh na si Kris ang tumayong ina at ama sakanila, sinigurado niyang mabibigyan din ang kaniyang ina dahil karapat dapat ito. Ipinaliwanag din ni Kris na ang tunay na ama ni Josh na si Philip Salvador ay lumabas sa publiko para pasalamatan siya sa pag tanggap ng responsibilidad bilang ama at ina ng kanilang anak. Nito lang, ang tinaguriang “Queen of All Media” ay naglabas ng kaniyang saloobin sa Instagram patungkol kay James Yap. Ito ay nag tulak sa mga netizen upang kritikahin at kwestiyonin si Kris kung bakit mag kaiba ang pag trato niya kay James at kay Philip. Sinagot naman ni Kris ang isang nagkomento na si Philip ay lumayo sa kanila at nag pakita sa kaniya ng respeto. 




Si Bimby ang anak ni James at Kris na naiwan sa puder ng kaniyang ina nung sila ay naghiwalay pagkatapos ng limang taong pagsasama simula 2010. Ipinakita ng mga followers ni Kris ang kanilang suporta at kagalakan sa nakakatuwang ginawa ni Josh para sa kaniyang ina sa pamamagitan ng pag bibigay ng kanilang opinyon sa kaniyang Instagram account.

Ginawa ni Josh ang card noong siya ay sumasailalim sa therapy. Ang anak ni Kris ay pumapasok at tumatanggap ng special education galing sa grupo ng mga SPED Teachers, coaches, therapists at interventionist na pinasalamatan niya rin sa kaniyang post.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Viral Sa Social Media Ang Isang Ina Matapos Nitong Turuan Ng Napakaimportanteng Leksyon Ang Kanyang Anak