"Sobrang Bulok ng Serbisyo Niyo!", Kiray Celis Ipinahatid ang Galit sa Cebu Pacific dahil sa Nangyaring Ito








Aminin man natin o sa hindi, isa sa mga pinakanakakairitang pangyayari na maaring mangyari sa atin ay ang pagkawala ng ating mga luggage o gamit kapag tayo ay nagtratravel. Hindi natin ito masisisi sa ating mga sarili kung hindi sa eroplano mismo. Gaya na lamang ng nangyari sa celebrity aktres na si Kiray Celis.

Kamakailan, ang 22 years old aktres komedyan na si Kiray ay nagbahagi ng pagkadismaya sa arilines na kaniyang sinakyan sa kaniyang Instagram at twitter accounts. Ayon sa kaniya, ang local airline na Cebu Pacific ang may responsibilidad na ingatan at alamin kung nasaan ang kaniyang mga bagahe. Sa nangyaring ito, si Kiray ay walang damit para sa kaniyang trabaho na nasa kaniyang maleta. 




Tinawagan din niya ng pansin ang airlines at ibinunyag kung anong klaseng serbisyo ang ibinibigay nito sa kaniya: “Ano to CebuPacificAir? Naiwan ‘yung maleta ko sa manila. Para saan pang nagpabayad kayo para sa gamit namin tapos di niyo naman madadala kung saan destinasyon ako pupunta? Anong klaseng serbisyo ‘to?”

Gayunpaman, ang nasabing local airline ay nagbabayad sa kaniya ng tatlong libong piso (3,000 Php) kada 24 oras na wala ang kaniyang maleta. Pero ayon kay Kiray, ang pera na ibinabayad sa kaniya ng airline ay hindi sapat upang mapunan ang mga gastos niya sa kaniyang maleta at mga gamit.

“Di naman sa mayabang, pero yung isang blouse ko nga na ginagamit pang work more than 3k na tapos ibibigay niyo samin pang isang araw na kapalit wala maleta namin is 3k? WOW CebuPacificAir! Nakakahiya!”


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!