Vice Ganda at Anne Curtis, Nagfoodtrip ng Kwek-Kwek at Fishball sa Kalsada Kasama ang Kanilang mga Fans







Kung namiss niyo ito, ang mga “It’s Showtime” host na sina Vice Ganda at Anne Curtis ay nagpunta sa isang roadtrip noong isang lingo. Bilang parte ng kanilang ikapitong taong anibersaryo ng panggabing palabas ni Vice Ganda, isinagawa ng magkaibigan ang segment na “LOL Trip”.

Makikita sa mga video clip na ipinalabas sa ere, ang magkaibigan ay nagusap ng kahit ano sa ilalim ng araw habang sila ay naglakbay sa palibot ng Metro. Isiniwalat din nila mismo ang mga kahihiyan na nangyari sa kanila sa loob ng kanilang mga sasakyan. 




Kamakailan, ang youtube vlogger at abs-cbn program writer na si Brezhnev Francisco ay nagupload ng mga behind the scenes footage ng “LOL Trip”. Hindi natin alam na maliban sa mga nakakatawang pangyayari sa loob ng sasakyan, si Vice Ganda at Anne Curtis mismo ay nakihalubilo sa mga fans nila sa kalsada. May pagkakataon pa ngang napaghinalaan na si Anne ay si Angelica Panganiban ng isang tao. Mayroon ding isang lalaki ang kinuhanan ni Vice Ganda ng numero at siya mismo ay nakipagselfi pa sa isang jeepney driver. Sumayaw din mismo si Anne at Vice sa gitna ng kalsada ng sikat na kanta ngayon na Boom Boom.



Pagkatapos ng kanilang araw, ang dalawa ay nagutom. Ngunit imbis na pumunta sila sa isang restaurant o fastfood chain ay mas pinili nila na kumain ng mga street food kung saan ay kumain sila ng kwek-kwek at balut. Isiniwalat ni Anne na hindi pa siya kumakain ng balut sa buong buhay niya. Habang sila ay kumakain ay ininterbyu nila ang nagtitinda ng balut na nagngangalang Purontong. Bago sila umuwi ay napagdesisyunan ni Vice Ganda na bilhin lahat ng paninda ng nagtitinda ng balut at sinabi niya ang mga sumusunod: “Para matulog ka nang maaga.“

Panuorin ang buong video rito: https://youtu.be/VTqX7BM_VyY

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!