Vicki Belo, Umani ng Negative Comments sa Mga Netizen Dahil sa Kanyang 'Kulubot' Skin





Victoria “Vicki” Gonzales Belo-Kho o mas kilala na Dra. Vicki Belo sa industriya. Kilala siya bilang isang sikat na Dermatologist at Television personality. Si Vicki Belo ang Medical Director ng Belo Medical Group. Kilala ang Belo Medical Group lalo na sa mga maraming artista. Asawa niya si Hayden Kho at ang kanilang anak ay si Scarlet Snow Belo.


Si Vicki Belo ay hinahangaan ng marami dahil sa kanyang batang mukha na kumpara sa edad na 62. Ngunit kamakailan lan, nakatanggap siya ng mga pambabatikos sa ibang netizens dahil sa kanyang kulubot na balat.



Sa isang post ni Vicki sa kanyang Instagram account, umani ng batikos dahil sa nakita sa litrato na kulubot ang kaniyang balat. Ang post niya ay tungkol sa kanyang workout routine na 'bikram yoga' kung saan makikita ito na nakasuot ng shorts at midriff top na na litaw ang kanyang tiyan. 


Makikita na sa ilang parte ng kaniyang katawan ay kulubot na balat lalo na sa parteng tiyan o abs. Kinuhanan ang litrato na ito pagkatapos niyang magyoga kasama ang kaniyang mga kaibigan.




Sa kaniyang suot na midriff top na kita ang tiyan ay mapapansin na may kulubot ito. Mapapansin din sa kaniyang buong katawan na may mga parte na kulubot ang balat sa kadilanan ng kaniyang edad.


Kaya naman marami ang nagreact na netizens sa litratong ito dahil sa gulat at expectations nila na akala ng marami mayroon itong perfect body dahil siya ay isang magaling na doctor.





May mga nagsabi na hindi sila nang-babash at nagulat lamang sila sa nakita sa katotohanang pinapakita nito na kung ano na talaga ang edad ni Vicki. May mga nagcommento rin na negatibo na nakakasakit ng damdamin. May iba na sinabihan itong 'sobra na sa paginject ng gamot, nagmukha na siyang bakla' at marami pang ibang negatibong komento.


Ngunit sa kabila ng mga negatibong komento sa kanya ay may mga nagkomento pa rin na papuri sa kanya, tulad nang hinahangaan siya dahil sa kabila ng kaniyang edad ay mayroon itong abs at hanggang ngayon ay maganda pa rin ito. At sa likod ng mga negatibong nagkomento sa kaniya tungkol sa litrato, nakatanggap naman ng suporta si Vicky sa kaniyang mga taga suporta.

Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Bahay Kubo Sa Labas Pero Mamangha Kayo Sa Modernong Disenyo Nito Sa Loob

Jackpot Ang Lalaking Ito Matapos Makatagpo Ng Wallet Na May Lamang Pera Sa Damit Na Nabili Sa Ukay-Ukay

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya