Viral Ngayon ang Inspiring Story ng Isang Babaeng May Autism na Nakapagtapos ng Kolehiyo







Sumang-ayon man kayo o hindi, maraming mga estudyante ang makakapagsabi na ang pagtatapos sap ag-aaral ay isang mabigat na pagsubok sa buhay. Sa kabila ng mga paghihirap na mararanasan, madaming mga estudyante ang nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral, mayroon mang honors o wala na makukuha.

Sa isang facebook post ng isang babae na nagngangalang Cristine Cipriano, sinasabi niya na may mga pagsubok pa siyang napagdaanan bukod sa hirap ng pag-aaral noon. Bukod sa mga walang tulog na gabi dahil kailangan mong mag-aral at pumasa, ibinunyag niya na mayroon din siyang developmental disorder simula pa noong siya ay bata.


Sa isang graduation speech niya, isiniwalat niya kung paano niya nabalanse ang kaniyang buhay: “At age 4, I was diagnosed with Autism Spectrum Disorder. Who knew that a regular child, born fresh into the world, could attain the chances of having ASD? My parents wouldn’t have expected it, seeing that all their hopes for their second child dashed all by something uncontrollable.”



Ang Autisim Spectrum D!sorder ay isang neurodevelopmental na kondisyon na nakakaapekto sa social interaction, pakikisalamuha, interes at pag-uugali ng isang tao. Kasabay ng kaniyang pagsisiwalat, ibinahagi niya kung paano siya lumaban sa kondisyon na mayroon siya:  “My parents had to bring me for check-ups to a different city every weekend traveling an eight-hour journey to and from home. I attended regular class setting in the morning and SpEd class in the afternoon from pre-school to highschool.”

Dagdag pa niya, nalulungkot siya dahil nakaranas din siya ng mga diskriminasyon at pambubully mula sa ibang tao: “Like everybody who is graduating from high school, you have your dream school. I took the entrance exam and passed, however, I was denied because of my ‘condition’. It was hard for me to accept that this kind of discrimination happened to me.” Ngunit ngayon ay nakapagtapos siya ng Bachelor of Fine Arts, Major in Visual Arts and Design sa St. Scholastica’s College. 


Comments

Popular posts from this blog

Pinay OFW Sa Hong Kong Ibinahagi Ang Kanyang "Ipon Challenge" Na Ginawa Lamang In 6 Months

Imbes Na Masaya Ay Mas Nalungkot Ang Lalaking Ito Sa Araw Ng Kanyang Graduation

Napaiyak Ang Lalaking Ito Matapos Maibalik Pa Ang Napakalaking Halaga Ng Pera Na Kanyang Nalaglag

Pinay na Dating Taga-Squatter, Presidente na Ngayon sa Isang University sa Amerika!

Isang Babae ang Nag-Viral Matapos Magsuot ng 4Kgs na Baggage Upang Makaiwas sa Pagbayad ng Extra Baggage Fee