Abot Hanggang Kabilang Istasyon ang Karisma! Baby Malia, Dinalaw ng Isang Sikat na GMA Artist!



Talaga namang maganda kung ang buong pamilya ng dalawang magkapitbahay ay bukas sa isa’t isa? Hindi lang pang seguridad kapag umaalis ang bawat isa, ngunit nagbibigay din ito ng pagkakataon maging matalik na magkalapit at magkaibigan ang dalawa. Mabuti na ang kalagayan ni Pokwang at Baby Malia dahil nasa tamang mga kapitbahay sila ng kaniyang partner na si Lee O Brian.

Isa lang namang ordinary at mapayapang araw para kay Baby Malia na maging kapitbahay ang isa sa sikat na artista ng GMA Network. Sa isang Instagram post na binahagi ni Pokwang, iwinelcome ni Baby Malia ang Dabarkads aktor na si Paolo Ballesteros sa kanilang bahay sa Antipolo.




Talagang makikita sa post ni Pokwang na ang bata ay masaya ng Makita ang aktor. Nagdala pa diumano si Paolo ng isang masarap at maanghang na pasta para sakanila. Sa kabilang banda binigyan naman si Paolo ng Laing at Aligue Sauce. “Thank you my kapitbahay @pochoy_29 sarap ng pa spicy seafood pasta!!! Love it!!!” pagbabahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram. “smile agad si @malia_obrian nang makita siya hahahahaa, dahil diyan, laing at aligue sauce naman kapalit hahhaaha salamat,” dagdag pa ni Pokwang.



Ang post na ito ay nakapagpasaya din umano ng mga fans dahil ang tulad ni Baby Malia ay nakakapagpadala ng dalawang aktor sa telebisyon na magkaibang network sa iisang bahay. Isang netizen ang nagkomento ng: Kakatuwang makakita ng ganito. Sana lahat ganito. Competition lang sa network pero sa labas, puwede namng maging magkaibigan at walang bad words sa isa’t isa. @pochoy_29 @itspokwang27 ????

Bago pa maging isang ina si Pokwang kay Baby Malia, siya ay naghost ng mga palabras sa ABS-CBN gaya ng WOwowee, Happy Yipee Yehey at Pilipinas Win na Win. Na ang mga nasabing palabras ay noon talagang karibal ng Eat Bulaga na kung saan ay isang host naman si Paolo.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit