Andi Eigenmann, Ibinenta ang lahat ng Kanyang Ari-arian at Piniling Mamuhay ng Simple sa Baler!





Marami ang nagtataka kung nasaan na nga ba ngayon ang artista na si Andi Eignemann na dating madalas gumanap sa mga teleserye at palabas. Ang isang kadahilanan na ikinagulat ng marami ay pinili umano ni Andi na manahimik at mamuhay ng simple sa isang probinsya sa Baler.




Ayon sa isang article ng Inquirer.net noong June 29 ay sinabihan ni Andi ang miyembro ng press na namumuhay na siya ng iba mula sa kinagisnang buhay sa municipality ng Baler, Aurora –  malayo sa kamera, at iba’t ibang ginagawa sa show business.



Mula pa last year mukhang pinili na ni Andi na lumayo sa showbiz dahil sa isang report ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ito ang kanyang sinabi Sa isang interview ng CNN Philippines "Hindi naman sa iniiwan ko yong film industry, pero ayaw ko na ng showbiz." 

Pero nitong mga nakaraan lang ay may prinomote siyang isang pelikula na The Maid in London at sa ganoong panahon nashare niya sa mga fans at media ang tungkol sa kanyang experience mula sa country’s top surfing spots.





Sa report ng Inquirer.net inamin ni Andi na sa Baler niya nahanap ang komportableng feeling kasama ang kanyang anak na babae na si Ellie kaya naman ibinenta niya ang mga ari-arian para mamuhay nalang ng ganoon.

 "Na-realize ko lang na itong lugar na 'to, dito ako nababagay. I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn’t need. I don’t own cars, any designer clothes, bags—lahat ng mga pang-artistang ‘yan, makeup, lahat ‘yan wala na. Kahit mga kasama sa bahay, yaya, driver, wala na lahat—talagang simple life."


Bumili umano siya ng lupa sa Baler at may planong magkaroon ng munting tahanan nalang. "Malaki lang yong garden, ako na yong mag-plant ng mga halaman," 


Pagkatapos ay inamin rin ng aktres na hiwalay na sila ng kanyang partner na si Emilio Arambulo, "I don’t have a partner, I’m single right now, happily single, yes, by choice." Kahit ganoon ang nangyari kinakaya pa rin ni Andi ang pag-aalaga sa sarili at sa kanyang anak.





Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit