Babala Para sa mga Magulang na Bantayan ang Anak! Isang 3-Year-Old na Batang Babae Nakulong Sa loob ng Isang Washing Machine!




Maging alerto ang mga nanay sa kanilang mga anak dahil napakabilis lamang ng mga pangyayari na sa isang iglap maaaring may masamang mangyari sa inyong mga supling.

Isang kwento ng Ina na si Lindsey McIver na ibinahagi niya ang nangyaring aksidente sa kanyang anak kamakailan lamang.

Sa kanyang kwento, kakabili lang daw nila ng bagong front load washing machine at umabot sila ng isang gabi para ayusin lamang ito. Habang ina-asemblo ang kanilang bagong washing machine, sinabihan ni Lindsey ang kanyang asawa at mga anak na huwag na huwag nila itong hahawakan. Paulit ulit na sinasabihan ni Lindsey ang kanyang mga anak tungkol dito.





Kinabukasan pagkagisig nila ng kanyang asawa ay naririnig nila ang mga sigawan ng kanilang anak. Ang kanyang apat na taong gulang na lalaking anak ay hindi na halos makasalita dahil sa pagkagulat nito. Nagmamadaling bumaba ang kanilang tatay sa basement kung nasaan ang kanilang labahan at gulat na gulat ito habang nabigkas na lamang niya ay ang tatlong salit na:   “Kloe. Inside. Washer.”

Ang kanilang tatlong taong gulang na anak ay nakapasok sa loob ng kanilang washing machine at na-lock ito sa loob habang naka turn-on ang makina.


Nakita nila na umiikot na ang washer at mayroon na rin itong tubig sa loob. Hindi na makalabas ang bata at ito at iyak ng iyak habang sumisigaw.

Sa kabutihang-palad, dumating ang kanyang magulang sa tamang oras lang, pinatigil at binuksan nila ang washing machine kaya nailabas na nila ang anak. Bukod sa ilang mga pasa ay naging mabuti naman ang kanyang kalagayan.



Gayunpaman hindi mawala sa ina ang pag-aalala sa anak at iniisip ang mga dapat pa sana niyang nagawa bago pa man nangyari ang insidente kaya naman naisipan niyang magsulat ng kwento para magbigay ng paalala at babala sa iba pang mga magulang.






Narito ang kanyang sinabi, 

"I post this because I can honestly say we did not realize the danger of this machine. We are continually surprised at the new, inventive ways our kids come up with to try and die. And this was definitely a new one."


Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay