"Baha Ka Lang, Pinoy Kami!", Viral ang Post ng Isang Netizen na Pinasukan ng Baha ang Kanilang Bahay!







Isang netizen na nagngangalang Jobbee Bautista ang nagbahagi ng kaniyang video matapos siyang matuwa sa kaniyang indoor pool noong nakaraang Biyernes, July 13. Ang nakakatawang bahagi lamang ng kaniyang video ay ang kapansin pansin na ang tinatawag niyang indoor pool ay naglalaman lamang ng tubig baha. Ang bagyong Henry ay sumalakay sa ating bansa sa mga nakalipas na araw at hindi na nakakagulat pa na ang mga ganitong tubig baha ay maaring pumasok sa loob ng ating bahay.

Natuwa ang mga netizens matapos ipakita ng lalaki ang kaniyang pagkapositibo sa kabila ng mga ganitong sakuna. Alam naman natin kung gaano kahirap ibalik ng maayos ang mga bahay na nakaranas ng baha. Nguni tang lalaking ito ay makikitang tuwang tuwang lumalangoy sa bandang parte ng kaniyang kusina.


Maaring may mga ilan satin ang hindi nakakaranas ng pagkakaroon ng swimming pool sa ating mga bahay. Kaya naman isa itong positibong paraan na ipinakita ni Jobbee upang bigyan ng pagasa ang lahat ng mga kababayan natin sa kabila ng lahat ng sakuna o mga pangyayari na dumaan sa atin.  Sa kaniyang clip sinabi pa niya ang mga linyang: “Ang sarap oh, para akong hari.” 



Ang pagsuspende ng mga klase at mga opisina ay nagbigay daan para sa mga netizens na makita agad agad ang facebook post na ito at talaga namang natuwa din sila sa kanilang nakita. Sa karagdagang impormasyon, ang kaniyang bahay ay matatagpuan sa Hagonoy, Bulacan. Ayon sa PhilStar, marami ang mga barangay sa lugar ng Hagonoy ay nakaranas ng matinding baha noong mga ilang araw. Ayon din sa PAGASA, makakaranas parin an gating bansa ng pagulan dulot ng Low Pressure Area na papasok sa ating bansa hanggang Biyernes.



Comments

Popular posts from this blog

Foreigner, Ilang Beses Naloko Sa Pinas Ngunit Di Sumuko At Pinagpatuloy Ang Pamumuhay At Paghahanap Buhay Dito

Ganito Pala ang Nakakainspire na Paraan ng Bread Talk Kung Paano Nila Inuubos ang Kanilang Paninda na Hindi Nabenta!

Babae Hindi Sinasadyang Mabasag Ang Banga Ng Kanyang Ama Na Naglalaman Ng Limpak-limpak Na Pera

Isang Basurero Nakapulot Ng Kalahating Milyon Sa Basura Isinauli Sa May-ari At Nakatanggap Ng Pabuya

Netizens Naawa At Tinulungan Ang Isang Vendor Na Na-impound Ang Motor Na Ginagamit Niyang Panghanap-buhay