Ellen Adarna, Ibinahagi ng Kanyang Abogado na Nanganak na Ito!







Ellen Meriam Go Adarna o mas kilala sa pangalan na Elen Adarna sa Philippine Showbiz. Siya ay kilala bilang isang actress at model na sumailalim rin sa maraming showbiz issues dahil sa kanyang biglaang pagbubuntis.


Sa nakalipas na mga buwan ay maraming intriga ang kumalat tungkol kay Ellen Adarna at sa kaniyang boyfriend na si John Lloyd Cruz. May mga lumabas na balita na buntis si Ellen, at nanganak na di umano ang aktres sa Singapore. 


Sa mga intrigang ito, piniling manahimik ng dalawang aktor at aktres dahil kumuha sila ng kanilang abogado na aayos sa kaso.


Subalit kamakailan lamang, kinumpirma ng Abogado ni Ellen Adarna na nanganak na ang aktres noong June 27, 2018. Sinabi ito ni Atty. Rene Saguisag sa pagdinig ng kaso laban kay Ellen. 



Idinahilan ni Ellen na nanganak o nagsilang siya sa araw ng tinakdang petsa kung saan hindi siya nakadalo sa preliminary hearings na reklamo laban sa kanya na child abuse at cybercrime. Samantalang Itinakda ang sunod na hearing sa July 16, 2018.



Sa pre-trial hearing pa lamang ay una nang kinumpirma ni Atty. Saguisag ang pagbubuntis at delikadong kundisyon nito ang siyang dahilan kung kaya’t hindi nakakadalo si Ellen sa proceedings.







Sinampahan ng kaso si Ellen Adarna ng magulang ng isang teenager na sinabihan nitong paparazzi dahil sa di umano kinuhanan siya ng video at litrato kasama ang actor sa isang restaurant habang kumakain. Ngunit itinanggi ito ng dalagita at ito ang naging dahilan ng reklamo laban sa kanya.



Simula nang lumabas ang balita na buntis ang actress at ang ama na si John Loyd ay walang pahayag na lumabas mula sa kanila. Ngunit kamakailan ay tinawag na “fake news” ni John Loyd ang pumutok na balita na nanganak na at bininyagan na ang kanilang anak.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan